Coco tinawag na ‘nanay’ si Julia, hirit ng fans: ‘Sana may pa-reveal ng baby!’
VIRAL sa social media ang latest video ng aktor na si Coco Martin na ibinandera sa TikTok.
Agaw-pansin kasi sa maraming netizens at fans ang pagtawag niya kay Julia Montes bilang “nanay.”
Makikita sa post na all out support si Coco sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na “Topakk” na pinagbibidahan ng aktres.
Mapapanood sa video na nagbigay ng bouquet of flowers ang aktor after panoorin ang movie at sabay tinawag na “nanay” si Julia.
Kasunod niyan ay ang paghikayat niya sa publiko na panoorin ang nasabing pelikula at inilarawan pa itong “pang-international.”
Baka Bet Mo: Coco nagtapon ng P11-M, ipinagawang bahay pinatibag…anyare?
@cocomartinofficial Topakk! December 25 na… #TopakkGrandPremiere @Metro Manila Film Fe ♬ original sound – Coco Martin
Dahil diyan, marami ang kinilig at natuwa sa dalawa, habang may ilang nawindang at nagulat sa kanilang narinig.
Narito ang mga nabasa naming reaksyon:
“Omg…so confirm nga may anak na sila [happy face with hearts emoji].”
“Kasal na sila matagal na.”
“Wow nanay ang call out ni Coco kay Julia [happy face with heart emojis] It means nanay ng kanyang mga anak [happy face with heart emojis].”
“It’s nice to know that slowly they are showing their real relationship.”
“sweet couple! [happy face with heart eyes, red heart emojis] nanay&tatay is real [happy face with heart emojis].”
Kung matatandaan noong Hulyo, tila nagkaroon ng rebelasyon ang TV host na si Willie Revillame matapos banggitin sa pre-debut event ng “Wil to Win” na may anak sina Coco at Julia.
“Sobrang bait ‘tong si Coco Martin. Coco, to Julia, at sa mga mga anak niyo, pamilya mo, salamat Coco,” sey ng TV host na ikinagulat ng marami.
Bago ‘yan, nauna nang ibinalita ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na may dalawang anak sina Coco at Julia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.