Coco bilyonaryo na, bibili ng bahay sa Spain para kay Julia?

Coco bilyonaryo na, bibili ng bahay sa Spain para sa kanila ni Julia

Reggee Bonoan - August 27, 2024 - 05:15 PM

Coco bilyonaryo na, bibili ng bahay sa Spain para sa kanila ni Julia

Coco Martin at Julia Montes

KAYA pala laging nagbabakasyon sa Europe sina Coco Martin at Julia Montes ay dahil pinag-aaralan nila kung paano ang buhay doon?

Nabanggit namin ito dahil sa ini-report ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika kaninang tanghali sa “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at may teaser na nagdo-double taping ngayon ang “FPJ’s Batang Quiapo.”

Say ni ‘Nay Cristy, “Coco Martin na tayo, o di ba, bibili siya ng bahay sa Spain.” Napa-sana all naman si Romel Chika.

Baka Bet Mo: Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Katwiran ng “CFM” host kayang-kaya ni Coco ang bumili ng bahay sa ibang bansa.

“Bakit naman hindi, Diyos ko po hindi lang milyonaryo si Coco, eh, bilyonaryo na sa totoo lang. Kayang-kaya po niya na sustenihan ang mga pangarap niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


“Kayang-kaya niyang bumili kahit saang bansa, ang tanong kasama niya kaya si Julia Montes kapag bumili ng bahay sa Spain? Aba naman, itinatanong pa ba ‘yun?” say ni ‘Nay Cristy.

“One plus one ang kasagutan diyan, ito’y paghahanda pagdating ng araw kapag gusto na nila ng pribadong buhay, puwedeng-puwede sila doon manirahan,” katwiran ni Romel Chika.

Malaki raw ang kinikita ngayon ni Coco bilang direktor, scriptwriter (creative head) at aktor sa “FPJ’s Batang Quiapo” kaya hindi imposibleng hindi niya makamit ang kanyang mga pangarap.

Sabi nga ni ‘Nay Cristy, “Napakasipag na tao at kapag ang tao po ay masikap, masipag at matiyaga talagang may makukuha tayong nilaga, talagang may resulta ‘yan.”

Naaliw kami sa mga komento ng CFM’ers na nakikinig sa balita na baka raw maging kapitbahay nina Coco at Julia si “Auntie” na hindi naman binanggit ni ‘Nay Cristy kung sino ito.

Baka Bet Mo: Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?

Obvious naman na si Bea Alonzo ito dahil umamin naman ang aktres sa vlog niya na bumili siya ng bahay sa Spain para kapag nandoon silang pamilya ay hindi na sila magre-rent dahil may sarili na silang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


May mga nagsabing masuwerte sina Coco at Julia sa isa’t isa kaya may mga tanong kung kailan daw magpapakasal ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang busy pa si Coco sa “Batang Quiapo” kaya siguradong wala pa ito sa isip niya, pero sa tingin namin ay mambubulaga na lang ang celebrity couple.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending