Dreamscape ipinasilip ang aktres na 'magbabalik', sino kaya 'to?

Dreamscape ipinasilip ang aktres na ‘magbabalik’, si Julia Montes kaya ito?

Reggee Bonoan - July 14, 2024 - 09:32 AM

Dreamscape ipinasilip ang aktres na 'magbabalik', si Julia Montes kaya ito?

PHOTO: Instagram/@montesjulia08

SINO ang aktres na magbabalik sa Kapamilya network?

May post ang Dreamscape Entertainment sa Instagram account na larawan ng babaeng nakatalikod at blond ang buhok, “The long wait is over. MAGBABALIK NA SIYA! Abangan ngayong Lunes! 07.15.24 12NN!”

Halatang-halata naman kung sino ang aktres na ito at duda namin ay si Julia Montes kasi nga may gagawin silang teleserye ni Sharon Cuneta kasama si Sam Milby.

Medyo naguluhan lang kami sa caption na “magbabalik na siya!” Bakit nawala ba siya? I mean hindi naman siya umalis ng Kapamilya channel, ‘di ba?  Nag-guest nga siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Baka siguro pipirma ng exclusive contract si Julia sa Kapamilya channel tulad ni Sharon na kapipirma kamakailan lang.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Julia Montes magsasama raw sa isang teleserye?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)

Sa thread ng post ng Dreamscape ay may mga nababasa kaming pangalan nina Angel Locsin at Erich Gonzales, sila ang masasabing puwedeng masabing, “nagbabalik” dahil ilang taon na silang hindi nasisilayan ng madling pipol.

Sa tingin namin ay wala nang planong magbalik-showbiz si Erich dahil baka tumutulong na ito sa negosyo ng asawang si Mateo Lorenzo.

At base sa nakita naming latest post sa IG account ni Erich na tinag siya ni Dra. Aivee kung saan regular ang aktres at hindi pa rin siya buntis, sabagay 2 years pa lang naman siyang may asawa baka hindi pa kasama sa plano.

Tungkol naman kay Angel ay siya ang walang update sa social media kumpara kay Erich na kahit paano ay meron.

Huling post ng aktres ay sa baby reveal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na buntis na and that was two years ago, August 1, 2022.

Pero abangan natin baka mag-post si Angel sa July 26 dahil wedding anniversary nila ng asawang si Neil Arce.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Going back to Julia nang huli naming makausap ang handler niyang si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment ay magiging aktibo na ulit ang aktres sa pag-arte at hindi na ito mawawala ulit.

Oo naman, sayang naman kasi ang galing sa pag-arte ni Julia kung itatago lang niya sa bahay nila at walang gagawin kundi magluto nang magluto base sa mga posts niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending