Julia Montes kinantahan si Baby Sylvio: Sorry, ‘yung voice ko hindi lang kasingganda ng kay Mama ha
ALIW na aliw ang mga netizens sa naging encounter ng Kapamilya actress na si Julia Montes kasama si Baby Sylvio na anak ng singer na si Angeline Quinto.
Viral na nga ngayon ang naturang video na ibinahagi ni Angeline sa kanyang Instagram page kung saan mapapanood ang moment ng dalawa together.
Makikitang nakaupo si Julia upang maging magka-level sila ni Baby Sylvio habang kinakantahan ito ng isang children song.
“My toes, my knees, my shoulder, my head,” kanta ng “Five Break Ups and a Romance” lead star sa anak ni Angeline.
Hirit pa ni Julia, “Sorry ‘yung voice ko hindi lang kasing ganda ng kay Mama a.”
Matapos nito ay naglakad naman palayo sa aktres si Baby Sylvio.
Baka Bet Mo: Julia Montes, Alden Richards naniniwala sa second chance, may kanya-kanyang paliwanag sa isyu ng ‘cheating’
View this post on Instagram
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang super cute na moment together nina Julia at Baby Sylvio.
“ong todo effort ka pra maaliw tas talikuran ka lang,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Ayaw ni baby ng ganyan Ms. Julia ,gusto niya ung bumibirit.”
“Ahhahaha ung tingin nya halatang sanay s bumibirit na kanta,” sey pa ng isa.
Hirit naman ng isa pang netizen, walkout si Balong sa singing prowess ni Julia.”
Maging si Angeline ay naaliw sa ganap ng kanyang anak at ng kaibigan.
Samantala, ibinahagi rin ni Julia sa kanyang Instagram story ang larawan nila ni Baby Sylvio.
Caption niya, “Bonding with baby love.”
Related Chika:
Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’
Angeline Quinto may pa-face reveal ni Baby Sylvio, nagulat sa natuklasan sa partner na si Nonrev
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.