Erik napikon sa manager ng resto na nagalit at nanigaw kay Angeline: 'Kinabahan ako, parang sasapakin na niya' | Bandera

Erik napikon sa manager ng resto na nagalit at nanigaw kay Angeline: ‘Kinabahan ako, parang sasapakin na niya’

Ervin Santiago |October 01,2023
facebook
share this

Erik napikon sa manager ng resto na nagalit at nanigaw kay Angeline: ‘Kinabahan ako, parang sasapakin na niya’

Ervin Santiago - October 01, 2023 - 07:30 AM

Erik napikon sa manager ng resto na nagalit at nanigaw kay Angeline: 'Kinabahan ako, parang sasapakin na niya'

Erik Santos at Angeline Quinto

PINATUNAYAN ng Prince of Pop na si Erik Santos kung gaano niya kamahal at nirerespeto ang kaibigang singer na si Angeline Quinto.

Ipinakita ni Erik kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para maprotektahan at maipaglaban si Angeline kahit pa nga malagay siya sa alanganin.

Inatake ng nerbiyos ang celebrity mom nang hindi umalma si Erik matapos silang pagalitan at sitahin ng manager ng isang restaurant.

Maingay daw kasi sila habang nagba-vlog, bukod pa sa pagdadala ni Angeline ng sariling kanin at lutuan sa loob ng resto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mapapanood ito sa “Date or Pass” vlog ni Angeline kung saan kasama nga niya si Erik, kung saan ilang ulit na pumasok ang resto manager para pagsabihan si Angge.

Ayon sa manager, ang ingay-ingay daw ng magkaibigan habang sinu-shoot ang kanilang vlog. Sinita rin nito ang pagdadala nila ng kanin na nakalagay pa sa rice cooker.

Hindi rin nito pinalampas ang pagdadala ni Angeline ng sariling lutuan para doon initin ang binili nilang pagkain. Binantaan pa niya ang mga ito na paaalisin sila kapag hindi pa sila tumahimik.

Kasunod nito, makikitang tila napikon na si Erik sa resto manager dahil hindi na niya nagustuhan ang paraan ng paninita nito kay Angge. Maaari naman daw silang pagsabihan nang mahinahon at maayos.

Hindi rin aniya dapat sumisigaw ang manager ng restaurant sabay yaya kay Angeline na umalis na lang, “You don’t have to yell. You don’t have to yell at us. You can say it in a nice way!”

Baka Bet Mo: Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Muling nangatwiran ang manager na sinagot naman ni Erik ng, “Yeah but you don’t have to raise your voice. You are not nice at all.”

Sa puntong ito ay tumayo na si Erik at niyaya nang umalis si Angeline at sa ibang lugar na lang nila ipagpatuloy ang pagba-vlog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dito na sinabi ni Angeline ang magic words na, “It’s a prank!” Agad na nilapitan ng nagpanggap na resto manager si Erik pati na ang dalawang crew ng restaurant na kinuntsaba rin ni Angeline. Nag-sorry sa isa’t isa si Erik at ang manager at nagyakapan.

Niyakap din ni Angeline si Erik na na-shock sa ginawang prank sa kanya kasunod ang malakas na pagtawa. Sey nito sa kaibigan, “Alam mo, ayoko kasing ginaganu’n ka!”

“Kinakabahan na ‘ko kanina pa, parang sasapakin na ni Erik Santos yung manager,” sey ni Angge.

“Pero nakita n’yo kung gaano ang concern sa akin ni Erik, ‘di ba?” dugtong pa niya sabay sabing hindi niya inasahan na ganu’n ang magiging reaksyon ni Erik.

“Alam mo Ge, hindi ako madaling magalit. Pero pag feeling ko dini-disrespect ka, medyo nati-trigger ako. Ha-hahahaha!” sey pa ni Erik.

Disclaimer naman ni Angeline sa lahat ng mga nanood sa kanyang vlog, “Ganu’n lang talaga si Erik ipinaglalaban lang niya ang respeto sa kapwa.”

Rendon Labador binanatan dahil sa P100 ‘motivational rice’ sa pag-aaring resto: ‘Seryoso? Pang-2 kilong bigas na ang presyo?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Babaeng nagpa-annual physical exam nakatanggap ng sorpresa matapos mag-breakfast sa isang resto, ano kaya yun?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending