Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming 'nag-try' sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin | Bandera

Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Ervin Santiago |October 24,2021
facebook
share this

Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 02:54 PM

Erik Santos at Angeline Quinto

SINUBUKAN ng Kapamilya stars na sina Angeline Quinto at Erik Santos na i-level up ang kanilang relasyon bilang espesyal na magkaibigan.

Ngunit talaga raw hindi na-develop into “something” ang kanilang friendship kahit ano pa ang gawin nilang pagpapa-sweet sa isa’t isa. 

Kaya naman nagdesisyon sila na manatili na lamang na magkaibigan at i-enjoy ang kung anumang meron sila.

Sa ngayon ay happy na si Angeline sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na mas bata raw sa kanya ng ilang taon.

Kuwento ng Queen of Teleserye Theme Songs, nakilala niya ang dyowa niya ngayon noong nakaraang taon sa pamamagitan ng boyfriend ng isa niyang kaibigan sa Sampaloc, Manila. 

“’Yung boyfriend ng kaibigan ko, ’yun ang kaibigan niya. One time, nagkayayaan lumabas. Doon kami first time na nagkita hanggang sa nagtuloy-tuloy,” ang kuwento ni Angeline sa chikahan nila ni Karen Davila.

Talaga raw gusto ng dalaga na hindi taga-showbiz ang maging boyfriend niya para raw iwas tsismis at intriga.

“Parang gusto ko na mas private na lang. Kasi syempre ’yung trabaho natin masyado nang alam ng publiko,” sey ng Kapamilya singer.

Ngunit, nanindigan si Angeline sa nasabi niya noon na hangga’t maaari ay hindi muna niya ise-share ang mga detalye about her new partner dahil mas nais niyang maging pribado ang kanyang lovelife.

Samantala, muli ngang nilinaw ni Angeline ang tunay na estado ng relasyon nila ni Erik Santos na matagal nang nali-link sa kanya.

Aniya, tinray nila na i-workout ang kanilang relationship, “Ginawa namin ’yun. Kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko, ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo.’

“Kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami. May mga ganu’n talaga kaming mga eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang maganda sa amin ni Erik, sa sobra naming malapit na magkaibigan, lahat ng nangyayari sa buhay pag-ibig niya ay alam ko,” paliwanag pa ni Angeline.

Angeline umaming 1 year nang may dyowa: Nakilala siya ni Mama Bob, kilig na kilig nga, eh!

Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending