Ria, Zanjoe pinabinyagan na ang anak, bigatin ang godparents

Ria, Zanjoe pinabinyagan na ang anak, star-studded ang ninong at ninang

Pauline del Rosario - January 27, 2025 - 02:12 PM

Ria, Zanjoe pinabinyagan na ang anak, star-studded ang ninong at ninang

PHOTO: Instagram/@ria

NABINYAGAN na sa simbahan si Baby Sabino, ang anak ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ni-reshare ni Zanjoe ang ilang pictures kasama ang mga kinuhang ninong at ninang para sa kanilang anak.

Star-studded ang godparents, kabilang sina Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Sam Sadhwani, Arjo Atayde, at Enchong Dee.

Mababasa sa caption ng post: “Blessed and loved beyond measure. Sabino’s ninangs [and ninongs] are here to guide and support him every step of the way.”

Baka Bet Mo: Angelica emosyonal sa binyag ni Baby Bean: ‘Grabe, naiiyak ako kasi ganito pala ‘yun…’

Ria, Zanjoe pinabinyagan na ang anak, star-studded ang ninong at ninang

PHOTO: Instagram Stories/@onlyzanjoemarudo

Kung matatandaan, February last year nang ma-engage sina Ria at Zanjoe.

Makalipas ang isang buwan ay ikinasal sila sa isang civil ceremony sa Quezon City, kasabay ng 32nd birthday ng aktres.

Noong June last year naman nang ibunyag ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng panganay.

Pagdating ng September 2024 ay isinilang na ni Ria ang anak nila ni Zanjoe.

Until now ay wala pang pa-face reveal sa first baby ng dalawa, ngunit sa isang interview ay sinabi ng ina ng aktres na si Sylvia Sanchez na kamukha ito ni Zanjoe, pero kakulay ni Arjo.

Nabanggit din ni Sylvia na very proud siya sa pagiging hands-on mommy ni Ria: “Pag-aalaga sa mga bata, siguro nakuha niya. Nandu’n talaga. Kumbaga, nilagpasan ni Ria yung pagiging nanay ko.

“Naku, kung makita n’yo lang si Ria, ayaw niya magtrabaho, ayaw niya lahat muna ngayon. Tutok muna siya sa bata. Ako kasi nung ipinanganak ko sila, siyempre trabaho din ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko, ‘Nak, lahat ng time at atensyon, ibigay niyo. Huwag ka magkulang, ibigay mo lang,’” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending