Ate Gurl problemado sa BF, gustong mag-anak pero walang work

Ate Gurl problemado sa BF na tambay, gustong mag-anak wala namang work

Ervin Santiago - January 28, 2025 - 12:05 AM
Ate Gurl problemado sa BF na tambay, gustong mag-anak wala namang work

SIGURADONG maraming makaka-relate sa pinagdaraanan ngayon ng isang female netizen na nagbahagi ng kanyang “love story” sa social media.

Sa pamamagitan ng Facebook page na “Peso Sense”, inilahad ni Ate Gurl ang kanyang love problem sa boyfriend niyang tambay kasabay ng paghingi ng advice sa mga kapwa niya netizens.

May titulong “MAHAL KO ANG BF KONG TAMBAY”, nagkuwento si Ate Girl hinggil sa dalawang taong relasyon nila ng kanyang dyowa na hanggang ngayon ay wala raw trabaho.

“Hello, good pm. Gusto ko lang sana humingi ng advice. please hide my identity. My 29F and bf 29M. 2 years na kami mahigit, pero di kami live in. Solo parent of one ako, I have a stable job.

“Pero si boyfie wala since nag grad siya, pag dates naman kaming dalawa minsan ako, minsan siya nagbabayad kaso galing sa parents niya. Wala naman kaming pinag aawayan na ibang tao o babae,” simulang pagbabahagi ng anonymous sender.

Baka Bet Mo: Louise never naging BF si Alden, na-hurt nang sumikat ang AlDub dahil…

Patuloy pa niya, “Ang palagi naming pinag aawayan? Siya, Trabaho. Ako kasi yung babaeng kapag may naaachieve ako gusto ko yung partner ko din para di niya mafeel na naleleft out siya, gusto ko siya din mag grow. I want him to succeed.

“Kaso kahit ano palang tulong natin kapag ayaw ng tao, walang mangyayari. Lagi ko siya sinesendan ng mga hiring, minsan nga nag uwi na ako ng dyaryo na may mga hiring. Sabi ko icheck niya yan baka may mapasukan siya, minsan naman nirerecommend ko na siya sa pinagwoworkan ko.

“Ang lagi niyang sinasabi kasi is may ipapamana sa kanya na business ang nanay niya or kasi may kakilala ang nanay niya sa ganitong department na pwede siya ipasok backer ba ganon, mga 2 yrs na din niya sinasabi mga yan, hindi ko alam if alibi nalang niya yan o ano.

“For context spoiled si boyfie kasi bunso tapos mama niya lang niya ang breadwinner sa family nila,” rebelasyon pa ni Ate Girl.

Pag-amin niya, nasa point na raw siya na nagkakaroon ng resentment dahil buhay highschool nga si boyfie, “Send send ng mga baby baby vids gusto na daw niya na magsettle down na kami at mag anak, ML magdamag, gigising ng hapon na, inom kasama mga kabarkada niya.

“Walang issue sakin na paminsan minsan lumabas siya. Ang akin lang sana iset niya ng straight mga priorities niya, like having a job dahil di na kami pabata lalo na ang parents niya matanda na.

“Kinausap ko na din siya minsan about dyan, minsan galit pa sakin sabi niya wag ko daw siya madaliin. Magfocus daw ako sa mga priorities ko kung gusto ko,” saad pa ng netizen.

“Hingi sana ako ng advice sa inyo ano yung pwedeng gawin ko? Mahal ko siya pero 2 years na kami eh, ilang years na siyang tambay. Hindi ko kaya maging breadwinner sa magiging pamilya namin kung kami parin tas wala siya work.

“Ayoko din na iasa sa mama niya pag nag anak kami, lalo na ngayon gusto na niya mag anak kami. At iniisip ko yung anak ko, baka hindi ko na maibigay sa kanya lahat ng kaya ko ibigay ngayon kung ako ang mgiging breadwinner ng family,” ang buong hugot ni Ate Girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, mga ka-BANDERA pasok! Ano nga ba ang dapat gawin ni Ate Girl sa kanyang dyowang tambay na parang wala namang pangarap sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending