Female netizen wasak: Kung sino pang hayop sila pang bine-bless

Female netizen wasak: Kung sino pang taong hayop sila pa ang bine-bless!

Ervin Santiago - January 29, 2025 - 12:40 AM
Female netizen wasak: Kung sino pa ang taong hayop sila pa ang bine-bless!

MATINDI ang naging karanasan ng isang female netizen sa kanyang ex-boyfriend na basta na lang siya iniwan na parang basurang walang kakuwenta-kuwenta.

Naloka kami matapos basahin ang kanyang open letter tungkol sa lalaking nakarelasyon niya kung saan nakaranas siya ng delubyong buhay at nagpakababa nang husto dahil sa sobrang pagmamahal.

Sa Facebook page na “Peso Sense” nag-post ang female netizen ng mahabang kuwento about her ex dyowa na may titulong “BAKIT NA-BLESS SI EX KAHIT NA MASAMANG TAO?”

“PTPA admin. Gumamit lang po ako dummy account kasi member po dito mga kaibigan at kamag anak ko po.

“Meron ako naging ex ng tatlong taon pero sa tatlong taon na yon halos delubyo mga naging karanasan ko.. narcissist, gaslighter, manipulator, name it.. lahat na yata ng mga worst na pag uugali eh inugali na niya,” ang simulang pagsusumbong ng girl.

Baka Bet Mo: Aktres naloka sa natuklasan kay aktor nang magchurvahan, ‘dyutay’ daw

Patuloy niya, “Sa tatlong taon na yon never niya pinaramdam sakin na mahalaga ako. Sa tatlong taon na yon palagi ako nagbebeg sakanya ng atensyon, palagi ako nakikiusap na wag siya mag add o follow ng mga sexy o magagandang babae sa social media. e

“Everytime na sasabihan ko siya palagi nya ako inaaway at sasabihin na “JUSKO NAMAN MAG ADD LANG ANG BABAW MO! ANO NAMAN KUNG MAG ADD AKO NG MGA BABAE KINAUSAP KO BA?!

“Para sakanya wala daw masama mag follow o mag add ng mga babae as long as di naman daw niya kinakausap. Everytime na gusto ko mag labas ng sama ng loob o problema sa trabaho o pamilya palagi niya sasabihin na “ang babaw ng problema mo ikkwento mo pa talaga sakin yan?!

“Isipin mo empleyado ka lang mas mababaw problema mo kumpara naman sakin na grabe problema ko dito sa negosyo namin” para sakanya since negosyate at engineer siya para sakanya mas mabigat problema niya kesa sakin dahil komot employee lang ako,” lahad pa ni Ate Girl.

Ayaw din daw ng dyowa niya na nagra-rant siya tungkol sa mga problema niya sa buhay dahil marami na raw itong iniisip.

“Kung gusto ko daw magkwento salain ko daw muna kung sa tingin ko daw wala naman daw kwenta wag ko na daw ikwento sakanya. Everytime na nag aaway kami bigla niya ako hindi kakausapin ng limang araw kasi para sakanya punishment ko dww yon para magtanda daw ako.

“Ayaw niya manuyo ng babae kasi daw baka daw masanay. Madalas uminit ulo niya sakin, madalas din niya ako sabihan na nakakairita daw ako at kung ano ano pa.

“Naalala ko pa dati na nu’ng nalaman ko fb password nya tapos nakita ko sa inbox nya may chat sya sa babae na “magkano yung girl at saan location” tapos sa search history nya mga airbnb na may indoor pool,” saad pa ng anonymous sender.

Rebelasyon pa ng girl, “Everytime na gusto niya na may mangyari samin, kami don lang siya magiging sweet sakin. Papupuntahin niya ako sa bahay o condo, tapos kapag tapos na hindi na niya ako kakausapin.

“May isang beses na pinapunta niya ako condo at may nangyari. After non 2 weeks na niya akong hindi kinausap. Lahat ng mga chat ko sakanya snseen niya lang. 2 weeks niya ako snseen non after nun. Ang katwiran niya ay busy daw siya sa trabaho at school.

“Sa tatlong taon tinrato niya ako na parang basura at bitch. Nagpakababa ako ng husto dahil sa sobrang pagmamahal ko, even sa trabaho nasira ang image ko dahil sa sobrang pagkabaliw ko sakanya.

“Hanggang siya nakipaghiwalay sakin. Sabi pa niya kung gusto niya daw maging kami ligawan ko daw uli siya at pag iisipan nya daw kung babalikan niya ako.  Hanggang sa tuluyan na niya ako iniwan.. ako nasira ang mental health. Nawasak ang mundo, nasira ang pagkatao ko.

“After namin maghiwalay, makalipas ang ilang bwan nalaman ko nalang na nakapasa siya sa board exam, at nagttravel nalang siya sa ibang bansa masayang masyaa, nagboom din lalo ang business nila, at nagfollow din sakin yung new girl niya.

“Hanggang ngayon tinatanong ko ang Diyos.. “Bakit ganon?! Kung sino pa yung hayop na walang modo na masamang tao sila pa yung bnbless samantalang ako eto wasak?!

“Galit ang namamayani sa puso ko. Habang ako na halos binuhos lahat ng buong pagkatao ko, samantalang siya inuulan pa ng blessings, habang siya masayang nagttravel at nagagawa mga gusto ako palaging nasa ospital bwan bwan at nagpapagamot para sa depression ko.

“Kalahati ng sahod ko napupunta sa psychiatrist at pambili ng mga anti depressant dahil kailangan ko gamutin sarili ko. Yung trauma na inabot ko na hanggang ngayon bitbit ko pa. Samantalang siya masayang masaya sa buhay na akala mo walang winasak na tao,” pagbabahagi pa ng netizen.

Sa huli, nagbigay pa siya ng mensahe sa kanyang dating BF, “Para sa ex ko…sana danasin mo din lahat ng pinagdaanan kong hirap. Sana bumalik sayo lahat ng ginawa mo sakin at mas triple pa.. sana pagbayaran mo lahat ng mga ginawa mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga ka-BANDERA, may maipapayo ba kayo kay Ate Girl?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending