'Video Scandal' ng 2 Female Star kalat na, pinagmumura ng Netizens | Bandera

‘Video Scandal’ ng 2 Female Star kalat na, pinagmumura ng Netizens

Ervin Santiago - February 09, 2015 - 03:00 AM

rr enriquez

INULAN ng upak at batikos ang dalawang female celebrities matapos kumalat sa social media ang isang video na ikinabwisit talaga ng madlang pipol.

Sa napanood naming one-minute video na ipinost sa Top Gear Facebook page, makikita ang mga TV host na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer na nagtatawanan sa loob ng kanilang sasakyan.

Dito makikita ang panggu-goodtime ng dalawa sa isang pasaherong sakay ng isang van na  natutulog na bigla ngang binusinahan ni RR sabay tawa ng malakas.

Super halakhak din ang kaibigan nitong si Jeck sa naging reaksiyon ng pasahero. Kahapon wala kaming nabasang maganda tungkol sa ginawa nina Jeck at RR, as in puro panlalait at pang-ookray ang natanggap nila mula sa nga netizens na nakapanood ng video.

May iba pa nga na minura-mura ang dalawang host dahil sa kawalang-respeto raw sa kanilang kapwa. Ayon pa sa isang nag-react na netizen, “Yung taong binulabog nila, baka isang manggagawa iyon na wala pang tulog sa katatrabaho para buhayin ang kanyang pamilya at umamot lang ng idlip habang bumibiyahe tapos babastusin nila ng ganu’n!

Ano bang klaseng mga tao ang mga babaeng ito?” Matapos ma-realize ang kabaliwang nagawa, agad na nag-sorry ang dalawang TV5 hosts sa lahat ng na-offend sa ginawa nila.

Sabi ni RR, noong una ay inakala niyang nakakatawa ang ginawa nila pero nu’ng mabasa na nila ang mga maaanghang na komento ng mga tao, doon nila na-realize na maling-mali ang ginawa nila du’n sa taong ginambala nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending