Eumir Marcial itinanggi ang bintang ng asawa: Hindi totoo 'yon

Eumir Marcial itinanggi ang bintang ng asawa: Hindi totoo ‘yon

Therese Arceo - January 11, 2025 - 08:55 PM

Eumir Marcial itinanggi ang bintang ng asawa: Hindi totoo 'yon

PINABULAANAN ng Olympic boxer na si Eumir Marcial ang mga ibinabatong bintang sa kanya ng asawang si Princess Marcial na ibinahagi nito sa kanyang Facebook account.

Pinaratangan kasi ang atleta ng pagkakaroon ng ibang babae na kinasama na niya at ang pisikal na pananakit nito sa kanya.

Sa naging panayam ni Eumir sa 89.9 Brigada Zamboanga nitong Sabado, January 11, itinanggi ng boksingero ang mga bintang ng asawa at sinabing walang katotohanan ang mga alegasyon ng asawa.

“Hindi totoo ‘yon, dahil unang-una yung joint account namin nasa kaniya. Hawak niya ngayon.

Baka Bet Mo: Eumir Marcial nahuli ng misis, may ibang babae

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yung lahat ng titulo ng bahay namin sa Maynila, yung mga properties namin nasa kaniya. At ang sinasabi niya na pinatayuan ko ng bahay yung babae, hindi yun totoo,” pagbabahagi ni Eumir.

Matatandaang base sa mahabang Facebook post ni Princess ay sinabi nitong kinuha lahat ng asawa ang kanilang savings at ginamit para ipagpatayo ng bahay nila ng kinakasama umano sa Zamboanga.

“Maski nga tatay ko hindi ko mapatayuan ng bahay. Ito, gusto ko ipakita sa taumbayan yung itsura ng bahay ng idol nila, yung pagkaalam nila na very successful na. After Olympics, ‘di ko man lang nabigyan ng ayos na pamumuhay yung magulang ko. Yung tatay ko hindi ko man lang nabigyan ng maayos na sasakyan para maayos na makapunta sa ospital, makapagpa-check up,” pagbabahagi pa ni Eumir.

Palaisipan rin sa Olympic boxer kung bakit bigla na lang inilabas ng asawa ang kanilang personal na problema sa publiko lalo na’t pribado dapat kung anuman ang kanilang pinagdaraanan.

“Doon ko naramdaman na hindi na lang pagmamahal yung gusto niya sa akin. Kasi personal matter ‘to eh. Bakit pa kailangan i-media? Maayos ako nakipaghiwalay sa kaniya. Maayos ako nagsasabi sa kaniya i-settle natin ito. Kung ano yung property na mayroon ako sa Manila, hatiin namin, ayusin namin ‘to. Bakit ayaw?” sey pa ni Eumir.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy niya, “Bakit gusto niya pa dalhin ito sa media? Bakit gusto niya pa kumuha ng simpatya sa taumbayan? Na niloko siya, sinaktan siya, gumawa pa ng story? Lahat ng sinabi niya sa social media, hindi ‘yon totoo.

Binigyang linaw rin ni Eumir kung sino ang babaeng nakita sa video na kasama niya noong nahuli siya umano ng asawa.

“Yung babae na nakita nila sa video, kaibigan ko ‘yon, yung nasa picture, kaibigan ko ‘yon. Isang beses na pinuntahan ko kasi taga-Zamboanga siya eh. Nagkita kami sa Makati. Coincidence na nagkita kami, taga-Zamboanga pala,” paliwanag ng atleta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending