Nikko lumaki sa broken family, nagtanim ba ng galit sa magulang?

Nikko Natividad lumaki sa broken family, nagtanim ba ng galit sa magulang?

Ervin Santiago - January 12, 2025 - 07:00 AM

Nikko Natividad lumaki sa broken family, nagtanim ba ng galit sa magulang?

Nikko Natividad at Baby Aiz Shelby

PRODUKTO rin ng broken family ang aktor na si Nikko Natividad. Bata pa lang kasi siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang.

Lumaki at nagkaisip si Nikko sa piling ng kanyang mga lolo at lola, mga tita at iba pang kamag-anak. Naranasan din niya ang pagpasa-pasahan ng mga kamag-anak.

Nag-share ang aktor at dancer ng kanyang saloobin sa guesting niya sa “Lutong Bahay” noong mangibang-bansa at maghiwalay noon ang mga magulang.

“Lumaki ako sa broken family. ‘Yung daddy ko, umalis siya wala pa akong three years old, nag-Japan na siya. Fourteen years siya roon.

Baka Bet Mo: Dimples inaatake ng severe anxiety: Ang daming nagtatanong kung lumaki na raw ilong ko o kung nag-iba na ang face ko

“Then ‘yung mommy ko naman, siyempre may iba nang pamilya, nag-London din siya. Lumaki ako sa ‘yung typical, sa mga lola, tita, pasa-pasa,” ang chika ni Nikko sa host ng programa na si Mikee Quintos.

“Kaya noong nakita ko sila noong umuwi sila, ‘yung may ilang,” pagpapatuloy ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)


Sundot na tanong ni Mikee kay Nikko kung nagalit ba siya o nagtanim ba siya ng sama ng loob sa kanyang nanay at tatay.

“Hindi naman ako galit kasi siyempre ‘yung mga lola ko, tita ko, pinaintindi naman na, ‘o kaya nasa ibang bansa ‘yan kasi gusto ng magandang buhay.’ Lagi naman sinasabi sa atin, which is totoo naman,” paliwanag ng aktor.

Dahil sa naging experience niya noong kabataan, sinabi ni Nikko na ginagawa niya ang lahat para mas maging close pa siya sa kanyang anak.

“Ang plan ko kasi, okay ‘yung may takot ka sa magulang, pero iba kasi ‘yung sinasabing takot na sobrang takot. Gusto ko ‘yung anak ko, kayang magsabi sa akin ng nararamdaman, kaya niya akong i-correct,” sey ng aktor.

Aminado kasi siya na nagkakamali pa rin naman ang mga magulang kaya okay lang sa kanya na punahin o pagsabihan ng mga anak kapag nakakagawa siya ng sablay.

“Kasi dapat kapag may nagawa akong mali sa bahay, ito ha, kahit magulang na tayo, minsan nagkakamali tayo, dapat matuto tayong magpa-correct din sa anak natin,” sey pa niya.

Samantala, sobra ang pasasalamat ni Nikko sa GMA 7 dahil kinuha siya sa season 2 ng Kapuso action series na “Lolong,” na pagbibidahan pa rin ni Ruru Madrid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, kahit na identified si Nikko sa ABS-CBN ay binigyan pa rin siya ng project ng GMA at sa isang bonggang primetime series pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending