Ruru Madrid nag-report sa taping ng'Lolong kahit naka-wheelchair

Ruru Madrid nag-report sa taping ng ‘Lolong’ kahit naka-wheelchair, may saklay

Ervin Santiago - April 10, 2025 - 07:00 AM

Ruru nag-report sa taping ng 'Lolong' kahit may saklay at naka-wheelchair

Ruru Madrid

IBANG klase talaga ang pagiging professional ng Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid kaya naman saludo sa kanya ang lahat ng mga nakakatrabaho niya.

Imagine, kahit na kagagaling lang niya sa ospital matapos magtamo ng injury sa hita habang nasa taping ng serye nilang “Lolong: Pangil ng Maynila” ay talagang nag-report agad siya sa work.

Bumilib siyempre kay Ruru ang buong production, lalo na ang mga co-stars niya sa naturang hit Kapuso action-drama series dahil sa dedikasyon nito sa trabaho.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ng aktor ang mga naging kaganapan sa pagbabalik niya sa set kung saan naka-wheelchair, pa siya with matching saklay, at walker.

In fairness, inaalalayan at tinutulungan din siya ng kanyang co-stars pati na ng staff and crew ng produksyon sa bawat eksenang gagawin niya.

“After 4 days of bed rest, nakabalik na rin ako sa taping ng Lolong. Sabi ng doktor, kailangan ko raw magpahinga ng 2 to 3 weeks para tuluyang gumaling ‘yung pulled hamstring ko.

“Pero kinausap ko siya–sabi ko kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ang usapan: limitahan lang muna ang galaw ko, at makikipag-coordinate ako sa production kung paano namin maaayos ang mga eksena,” ang caption ni Ruru sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Sabi ni Ruru, hindi pa raw siya talagang magaling,”Kinausap ko ang buong team, at gumawa kami ng paraan kung paano maisusulong ang mga eksena kahit limitado ang kilos ko.

“Mahirap–dahil yung isip ko gustong-gusto na, pero ‘yung katawan ko may hangganan pa. Pero alam ko rin, parte ng trabaho ang alagaan ang sarili para makabalik nang buo at mas mabilis,” mensahe pa ng binata.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang laking pasasalamat ko sa buong Lolong family. Sila ang nag-adjust, nag-revise ng script, nag-alaga, at nagparamdam na hindi ako nag-iisa–kahit pagod at kulang sa tulog.

“Totoo talaga–hindi lang talento ang bumubuo ng isang proyekto, kundi malasakit at pagmamahalan sa isa’t isa.

“Maraming salamat din sa lahat ng sumusuporta sa Lolong–ramdam ko ang pagmamahal niyo. Sa pamilya ko, kay Bianca na laging nandyan, at higit sa lahat, sa Ama na palaging nagbibigay ng lakas, gabay, at dahilan para bumangon.

“Hindi hadlang ang injury kapag buo ang puso. Para sa sining. Para sa pangarap. Para sa mga taong naniniwala sa ‘kin. Laban lang!” aniya pa.

Samantala, abangan ang mas kaabang-abang na pasabog sa kuwento ng “Lolong: Pangil ng Maynila” ngayong nakapag-adjust na si Lolong sa buhay-Maynila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Lolong” Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending