Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila: Madugo, bakbakan, iyakan

Ruru Madrid
EXCITED na ang netizens sa mga bagong mukhang ipakikilala sa Kapuso series ni Ruru Madrid na “Lolong: Bayani ng Bayan” sa pagpasok ng season 2.
Tiyak daw na mas magiging maaksyon pa ang hit primetime serye ng GMA kasabay ng pasilip sa mga bagong karakter na mapapanood na very soon.
Ayon kay Ruru, siguradong mas magiging kapana-panabik pa ang mga susunod na episode lalo’t isinisisi na ni Julio (John Arcilla) kay Lolong (Ruru) ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na anak.
Nabawi na kasi ni Lolong ang Ubtao kay Julio sa gitna ng pakiusap ng huli dahil kailangan nito ang mahiwagang hiyas para sa kanyang anak na may malubhang sakit. At sa galit ni Julio, mata sa mata ang gagawin n’yang paghihiganti.
At sa pagpapatuloy nga ng kuwento at pagbubukas ng season 2, susugod na si Lolong sa Maynila.
“Actually, this week magiging madugo. Grabe ang mga bakbakan. Magiging madrama, iyakan,” sey ni Ruru sa panayam ng GMA.
View this post on Instagram
“Ibang-iba ‘yung location po natin ngayon dahil may panibagong sorpresa po ang Lolong para po sa mga manonood natin. Ito po ang aming kauna-unahang taping para po sa bagong yugto ng Lolong.
“Ang totoo nga niyan, kahit po ang aming title ay iibahin po natin. From Lolong: Bayani ng Bayan, ngayong Lolong: Pangil ng Maynila na siya,” chika pa ng aktor.
Ibinahagi rin niya ang ilang artistang makakasama nila sa bagong season ng “Lolong,” “Nandito po si Ms. Tessie Tomas, ganoon din po si Mr. Ketchup Eusebio.
“Makakasama rin po natin, Mr. Wendell ramos, Matt Lozano, Yasser Marta. Mr. Rowell Santiago, makakasma rin po natin,” sey ni Ruru.
“Marami rin po na from Tumahan ay mapupunta na rin po dito sa Maynila. Abangan po natin kung sino-sino po ang mga mapupunta, kung papaano sila magkikita-kita,” dagdag pa niya.
Napapanood pa rin ang “Lolong: Pangil ng Maynila” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.