Ruru Madrid nag-promise kay Bianca Umali: Sa ‘kin ka lang at ako’y sa ‘yo!

Ruru Madrid at Bianca Umali
TAGOS na tagos sa puso ang super sweet message ni Ruru Madrid para sa 25th birthday ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali.
Idinaan ng lead star ng Kapuso series na “Lolong: Bayani ng Bayan” sa Instagram ang pagbati niya kay Bianca na nag-celebrate nga ng kaarawan nitong nagdaang March 2.
Ayon kay Ruru, si Bianca raw ang nagbibigay ng liwanag sa kanyang buhay at sure na sure na siya na ang dalaga na ang nais niyang makasama forever.
Post ni Ruru, “To my number one cheerleader, my ultimate crush, and my greatest blessing—Happy Birthday, Mahal ko! @bianxa (heart emoji).
“Walang salitang sapat para maipahayag kung gaano ako nagpapasalamat sa’yo…
Baka Bet Mo: Daniel malutong na nagmura habang kumakanta, apektado sa KathDen?
“Ikaw ang liwanag ng buhay ko, ang inspirasyon ko sa bawat araw, at ang dahilan kung bakit ako patuloy na nagsisikap maging mas mabuting tao.
“Simula nang dumating ka, nag-iba ang mundo ko—mas naging makulay, mas naging makahulugan.
View this post on Instagram
“At habang buhay kong ipagpapasalamat sa Ama na ikaw ang ibinigay Niya sa akin.
“Napakapalad ko dahil ikaw ang kasama ko sa buhay—ang babaeng pinakamamahal ko, iniidolo ko, at pinapangarap kong makasama magpakailanman,” ang bahagi ng IG post ni Ruru.
Nagbitiw din ng pangako ang Kapuso star na habangbuhay niyang iingatan ang puso ni Bianca at nakahanda siyang ipaglaban ang aktres sa anumang pagsubok na darating.
“Pangako ko, iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iningatan at minahal ang akin.
“Sa ’kin ka lang, at ako’y sa ’yo, hindi lang ngayon kundi sa habang panahon.
“Anuman ang pagsubok, anuman ang dumating, pipiliin at ipaglalaban kita sa bawat araw, sa bawat pagkakataon.
“Magkasama nating tutuparin ang lahat ng pangarap natin, dahil walang imposible basta magkasama tayo.
“Mahal na mahal kita, higit pa sa kaya kong ipakita o iparamdam. Ikaw ang buhay ko,” pahayag pa ni Ruru.
Nauna nang nabanggit nina Ruru at Bianca na napag-uusapan na nila ang pagpapakasal lalo pa’t seven years na rin silang magkarelasyon.
May mga nagsasabi na mag-ingat daw ang celebrity couple dahil baka mabiktima rin sila ng tinatawag na 7-year itch, kung saan karaniwang nagkakahiwalay daw ang magdyowa kapag umabot na sila ng pitong taon.
Pero sabi ni Ruru sa isang panayam, “Ako kasi, personally, hindi ako naniniwala kasi, for me kasi, nakasulat na yan. Talagang kung kayo para isa’t isa, kayo talaga.
“And for me, basta malinaw sa aming dalawa yung suporta na ibinibigay namin at yung pagmamahal na binibigay namin sa isa’t isa, kahit sino pang pumigil, kahit na anumang tukso, pagsubok, kasi talagang dadaan at dadaan po yan.
“Pero naniniwala ako na basta nagtutulungan kaming dalawa na mag-work yung relationship, lahat kakayanin,” ani Ruru Madrid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.