Ruru Madrid isinugod sa ospital habang nagte-taping ng ‘Lolong’, anyare!?

Ruru Madrid
ISINUGOD sa ospital ang Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid matapos magkaroon ng injury habang nagte-taping para sa seryeng “Lolong“.
Bumigay daw ang isa niyang hita nang gawin niya ang isa sa mga maaaksyong eksena nila nu’ng araw na yun.
Ibinahagi ng Kapuso star sa kanyang Instagram account ang nangyari kalakip ang mga litrato na kuha habang siya’y nasa ospital.
“Kahapon, habang nagte-taping para sa ‘Lolong,’ I was giving it my all–full speed–then suddenly, pop. Alam kong may mali. My leg gave out, and I couldn’t continue,” ang pahayag ni Ruru.
Ayon daw sa doktor na tumingin sa kanya sa ospital, kumpirmadong napuruhan ang kanyang hamstring o ang litid sa alak-alakan.
Sumailalim na ang aktor sa MRI at hinihintay pa ang resulta nito. Sabi pa ni Ruru, “[H]oping and praying na hindi ito Grade 3 strain, which means a full tear that could take weeks or even months to recover.”
Nalulungkot lang daw siya dahil kinailangan munang itigil ang kanilang shooting dahil sa nangyari. Siguradong apektado raw nito ang buong production.
“Masakit? Oo. Pero mas masakit ‘yung pakiramdam na kailangan kong huminto. All I could think about was my team, the scenes we still have to finish, and how much I wanted to push through.
“But that’s the reality of doing action–sometimes, your body reminds you that you’re only human,” ani Ruru.
View this post on Instagram
Pero sa kabila ng nangyaring insidente, nagpakapositibo pa rin si Ruru, “Challenges like this don’t break me–they build me. This is just a pause, not the end.
“Every setback is a setup for a stronger comeback. I will rise from this–wiser, tougher, and more unstoppable than ever,” aniya pa.
Todo pasalamat din ang binata sa lahat ng mga taong nag-alala at nangumusta sa kanya, lalo na sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali na sinamahan pa talaga siya sa ospital.
“[S]alamat dahil hindi mo ako iniwan sa oras na ‘to. Your presence, love, and support mean everything to me,” mensahe ni Ruru kay Bianca.
Patuloy pa ng aktor, “Despite everything, I will forever be grateful to God. His plans are always greater than mine, and I trust in His timing and purpose. To God be the glory.
“This is just part of the journey. And trust me, I’m coming back stronger. See you soon,” ang pahabol pang pahayag ni Ruru Madrid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.