Jon Lucas sa muling pagsasama nila ni Ruru: Kinikilig ako!

Jon Lucas sa muling pagsasama nila ni Ruru Madrid: Natutuwa ako! Kinikilig ako!

Ervin Santiago - March 17, 2025 - 07:00 AM

Jon Lucas sa muling pagsasama nila ni Ruru Madrid: Natutuwa ako! Kinikilig ako!

Ruru Madrid at Jon Lucas

PURING-PURI nina Ruru Madrid at Jon Lucas ang bawat isa sa muli nilang pagsasama sa Kapuso action-drama series na “Lolong: Bayani ng Bayan.”

Talagang na-miss ng dalawang Kapuso stars ang company ng isa’t isa kaya naman abot-langit ang pasasalamat nila sa mga bossing ng GMA 7 dahil binigyan uli sila ng chance na magkasama uli.

Kaya naman talagang kaabang-abang ang muli nilang paghaharap sa top-rating action-adventure series na “Lolong: Bayani ng Bayan” na napapanood gabi-gabi sa GMA Prime.

Matatandaang huling nagkasama sa hit full action series na “Black Rider”  na pinagbidahan ni Ruru bilang vigilate na si Elias, habang si Jon naman ang kontrabida at mortal niyang kalaban na si Calvin.

At dito naman sa “Lolong: Bayani ng Bayan”, makikipagbakbakan uli ang karakter ni Ruru na si Lolong sa role ni Jon na si Lizardo sa isang underground fighting arena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LOLONG SEASON 2 (@lolonggma)


“Natutuwa ako. Kinikilig ako. Ruru Madrid ‘yan, eh. Ang dami nang nangyari after ng Black Rider. Nanalo siya ng Best Supporting Actor sa Green Bones,” ani Jon sa ulat ng GMA.

Sey naman ni Ruru, “Nanalo siya ng Best Supporting Actor para po sa Black Rider kaya it’s an honor na muli pong makatrabaho ang nag-iisang Jon Lucas – Calvin, one and only – para sa natatatanging pagganap bilang Lizardo.”

Samantala, anumang hirap ang kanyang danasin, gagawin ni Lolong (Ruru) ang lahat para maligtas ang mga Atubaw. Kaya naman, todo ang suporta sa kanya ng viewers sa kanyang pakikipagsagupaan kay Lizardo (Jon).

Payo nga ng isang manonood, “Lolong mag iingat ka! Dapat critical kang mag-isip wag ka masyadong papadala sa kanilang mga sinasabi. Kaya mo yan Lolong! Malalapagpasan mo rin yan!”

Hindi rin pinalagpas ng viewers na mag-komento sa galing na ipinapalamas nina Ruru at Jon sa kanilang makatotohanang acting.

Sey nga nila, talagang nadadala sila sa bawat eksena kaya ramdam na ramdam nila ang sakit sa bawat suntok at sipa ng mga karakter.

“Grabe talaga ang binibigay na acting skills ng mga characters dito sa Lolong! Bigay na bigay at ang gagaling nilang lahat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na tutukan ang bakbakan nina Ruru at Jon sa dambuhalang adventure serye na “Lolong: Bayani ng Bayan”, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending