Ruru Madrid, Jon Lucas tuloy ang bardagulan; David nilandi-landi

Ruru Madrid, Jon Lucas tuloy ang bardagulan; David Licauco nilandi-landi

Ervin Santiago - March 06, 2025 - 06:10 AM

Ruru Madrid, Jon Lucas tuloy ang bardagulan; David Licauco nilandi-landi

Ruru Madrid, Jon Lucas at David Licauco

MULING magsasama sa harap ng camera ang magkaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Jon Lucas.

Yes! Confirmed na ang chika ng mas matinding bardagulan nina Ruru at Jon sa GMA primetime series na “Lolong: Bayani ng Bayan.”

Dagdag si Jon sa mga tinik sa buhay ni Lolong. Gagampanan niya ang karakter ni Lizardo, isang fighter na sasabak sa sabungan ng mga Atubaw.

Matatandaang nagharap sina Ruru at Jon sa action series na “Black Rider” na pinagbidahan din ng boyfriend ni Bianca Umali last year.

Samantala, magbabalik na rin sa eksena si Doña Banson played by Jean Garcia. Sa kanyang paglaya mula sa kulungan, bitbit niya ang bago niyang katauhan bilang isang religious leader na “Banal na Ina.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon)


Balik-Tumahan din ang karakter ni Maui Taylor na si Dolores na handang gawin ang lahat para kay Dona.

Bawat gabi ay puno ng aksyon ang action-drama series ni Ruru at parami na nang parami ang kanyang mga nakakalabaan!

Pero kahit busy sa “Lolong”, lilipad pa rin si Ruru patungong Amerika para naman sa free concert na “Konsyerto para sa Filipino” na handog sa Filipino xommunity sa USA.

* * *

From Japanese soldier to parish priest real quick!

Matapos ngang bihagin ni David Licauco ang viewers sa karakter niya bilang Hiroshi Tanaka sa “Pulang Araw,” mapapanood naman siya bilang kura paroko sa upcoming film na “Samahan ng mga Makasalanan.”

Sa inilabas na teaser photo ng GMA Pictures, may caption ang photo ni David na, “Kung si David Licauco ang magdadala sa ‘yo sa tamang daan, sasama ka ba?”

Siyempre, ang netizens, di nagpahuli sa mga witty comments. May ilan pa ngang hindi naiwasan ang lumandi kahit na pari ang role ng aktor sa movie.

Say ng isang fan, “Father, I do.”

Kinikilig namang comment ng isang netizen, “Pag ganito ka guwapo ang Pari jusko araw-araw ako nasa simbahan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa April 19 ang playdate ng nasabing pelikula. Kabilang sa cast sina Euwenn Mikaell, Joel Torre, Sanya Lopez, Jay Ortega, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Liezel Lopez, at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending