Coco, Ruru pinagsasabong dahil sa tapatan ng ‘Batang Quiapo’ at ‘Lolong’?
MUKHANG maraming viewers ang nalilito ngayon kung aling primetime series ang papanoorin nila.
Lalo na’t nagkaroon na ng katapat ang “FPJ’s Batang Quiapo” ng Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin.
At iyan ay walang iba kundi ang “Lolong: Bayani ng Bayan,” ang tinaguriang Philippines’ Most Watched TV show for 2022 na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Sabi tuloy ng batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis, tila pinagsasabong ang dalawang aktor dahil sa tapatan ng kanilang serye.
Gayunpaman, baka ito na rin daw ang sagot upang bumalik sa panonood sa telebisyon ang karamihan.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa ‘tapatan’ nila ni Boy Abunda: ‘Marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya’
“Masarap isipin parehong malakas ang hatak ng mga TV series nila at sana nga maibalik ang interest ng new generation sa panunuod ng TV,” caption niya sa isang Instagram post.
Paliwanag pa ni Manay Lolit, “Dahil sa dami ng mga gadgets kung minsan hindi na nila nasisilip ang mga palabas sa free TV.
“Kaya nga lahat ginagawa ng network para maibigay ang mga shows na makakakuha ng interest ng mga manunuod. Medyo apektado din ang star system dahil parang nawala na ang ranking dahil na nga sa mga bagong mukha.”
Patuloy niya, “Well, basta nandiyan parin ang mga nagmamahal sa showbiz tiyak naman babangon at muling sisigla ito. At malaki ang maitutulong ng mga writers para dito.”
“Basta patuloy lang ang tulungan, showbiz will shine again, baka brighter pa,” ani pa ni Manay Lolit.
View this post on Instagram
Magugunitang noong January 20 lamang nangsimula ang pagbabalik telebisyon ng ikalawang season ng “Lolong.”
Ka-join uli riyan sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor, at Jean Garcia.
Kaabang-abang din ang mga naglalakihang pangalan, kabilang na ang internationally-acclaimed actor na si John Arcilla na nagbabalik Kapuso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.