Ogie Diaz sa 'tapatan' nila ni Boy Abunda: 'Marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya' | Bandera

Ogie Diaz sa ‘tapatan’ nila ni Boy Abunda: ‘Marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya’

Therese Arceo - February 01, 2023 - 09:35 PM

Ogie Diaz sa 'tapatan' nila ni Boy Abunda: 'Marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya'
TALAGA namang nag-level up na ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz dahil marami na ang nagsasabing pwede na niyang tapatan ang King of Talk na si Boy Abunda.

Sa ngayon kasi ay active na naman sa telebisyon si Tito Boy dahil may bago siyang show matapos ang pagbabalik nito sa GMA-7 matapos ang twenty years nitong pananatili sa ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

To be fair naman, talagang patok na patok ang show ni Tito Boy at puro pasabog ang pahayag ng mga guests nito mula kay Marian Rivera hanggang kay Dina Bonnevie.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nagre-request na ito na ang oras para naman bigyan ng sariling talk show si Ogie at tapatan ang “Fast Talk with Boy Abunda” ng King of Talk.

Isa na nga sa mga netizens na nakakita ng potensyal ng talent manager ay ang journalist na si Philip Lustre Jr.

Sey niya sa kanyang tweet, “OGIE Diaz should’ve his own talk show, netizens say. He’s a great alternative to Boy Abunda, who is a showoff, although not exactly bright.”

Dagdag pa niya, bukod sa pagiging natural na komedyante ay matalino ring magtanong ang talent manager.

Bukod sa pagpuri kay Ogie ay ang pagsabi ng mamamahayag na “insecure” raw si Boy ay may “tendency to show off”.

Well, kahit naman hindi aktibo sa telebisyon ay active naman ito sa social media at sa katunayan, may sarili itong YouTube channel kung saan pinag-uusapan rin nila ang latest showbiz ganaps kasama sina Mama Loi, Tita Jegs, Dyosa Pockoh, at Mrena.

Napansin naman ni Ogie nag naturang tweet at sinagot ang pahayag ni Philip.

“Nako po, sir, kahit mahina na po ako sa kanin, marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya.

“Tinitingala ko po si Kuya Boy. Pero salamat pa rin po sa papuri,” paglalahad ni Ogie.

Bukod naman kay Philip ay marami rin sa mga netizens ang nagsasabing panahon na para magkaroon ng bago at sariling TV show ang talent manager.

Narito ang mga pahayag ng netizens:

“STRESSFUL panoorin si BOY ABUNDA, nakakaalis ng STRESS panoorin si OGIE DIAZ, yun lang!”

“mas may depth po ang set of questions nyo, minsan po kasi kay BA madalas pa controversial and “gotcha!” questions.”

“Maybe ito na yung time para sayo sir ogie. Yung ibang style of having a talk show. Yung light at masaya para balanse. Tsaka classic na yung mga old style na talk show.”

Related Chika:
Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz sa chikang si Kylie ang nagloko sa relasyon nila ni Aljur: Hindi naman isyu kung sino ang una o sumunod…

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending