'Toni Talks' binatikos ni Xian Gaza: Cheap na 'yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class | Bandera

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

Therese Arceo |May 24,2022
facebook
share this

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

Therese Arceo - May 24, 2022 - 05:18 PM

Toni Talks binatikos ni Xian Gaza: Cheap na 'yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class
BINANATAN ng “Self Proclaimed Marites na Lalaki” na si Xian Gaza si Toni Gonzaga dahil hindi na nito nagugustuhan ang mga nagiging content nito lately sa YouTube vlog niyang “Toni Talks”.

Matatandaang ngayong buwan kung kailan ipinagdiriwang ang Mother’s Day ay inimbitahan ng Multimedia star ang mga sikat na mommy vloggers na sina Zeinab Harake, Viy Cortez, at ang huli ay ang kanyang tukayong si Toni Fowler.

Una ngang napanood si Zeinab Harake noong May 8 kung saan kinumpirma niya ang paghihiwalay nila ng dating partner na si Skusta Clee na anak ng kanyang anak na si Baby Bia.

Sumunod naman noong May 15 na kinapanayam ni Toni ang vlogger-entrepreneur na si Viy Cortez na soon m-to-be momma sa kanyang dinadala sa boyfriend nitong si Cong TV.

At nitong May 22 naman ay ipinalabas ang kanyang interview sa kontrobersyal na vlogger na si Toni Fowler.

“Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class. Yucks,”saad ni Xian Gaza sa kanyang Facebook account matapos umere ang interview nito kay Fowler.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

 

Dagdag pa niya, “Nagsanib pwersa na yung mga walang mai-content. Ginawa na nilang content ang isa’t-isa.”

Pero sa kabila ng kanyang komento ay ang pagpuri niya sa actress-singer na isa rin sa mga naging kontrobersyal na personalidad sa mga nakalipas na buwan.

“Pero infairness, magaling si Toni. Sinasabayan niya yung agos ng social media para bahain ng views yung channel niya. Bumagsak nga lang yung value ng ‘Toni Talks’ branding niya. Yun lang,” pagpapatuloy ni Xian.

Aniya, mula sa pagiging “high-class national talk show” ay nauwi sa pagiging “low-class vlog channel”.

“Kahit Kakampink ako eh mas gugustuhin ko pa yung mga BBM moments niya noon kahit maraming haters. Ibang level. To the highest level. Malakas ang dating. Solid talk show,” sey ni Xian.

Hirit pa niya, ““Ngayon eh nagmukhang hybrid ni Charo Santos at Korina Sanchez ampucha. Cheapipay pa ng mga gine-guest. Na-prioritize yung socmed mileage over brand quality.”

Halata rin na mukhang na-disappoint si Xian sa nagiging takbo ng digital talk show ni Toni.

“Sabi ko pa naman before elections “Ang galing ni Toni. Petmalu ng mga content. Sobrang bigatin ng mga
iniinterview. Very relevant sa buong bansa. Siya na ang bagong Queen of Talk Show ng Pilipinas! Pawer!” Anyare?” Nagtatakang sey ni Xian.

Suggestion pa nga ni Xian, “NEXT GUEST: Rob Moya.”

Usap-usapan na naman kasi sa social media sina Rob, Toni, at ang kasalukuyang dyowa nitong si Vince Flores.

Anyways, tatlong taon na rin buhat nang magsimul itong pasukin ang mundo ng vlogging sa tulong na rin ng pangungumbinsi ng nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga.

Related Chika:
Toni exit na sa PBB, wala raw formal resignation; Bianca papalit bilang main host

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga wagi bilang Outstanding Celebrity Host, ’ToniTalks’ may award rin

Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending