Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit! Bandera

Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

Reggee Bonoan |May 06,2022
share this

Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

Reggee Bonoan May 06, 2022 - 05:01 PM

Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

SA “Cristy Ferminute” radio show nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika nitong Biyernes, Mayo 6 ay ibinuking nilang may dalawang programang naghihintay kay Toni Gonzaga-Soriano sa network na Advance Media Broadcasting System o AMBS na pamumunuan ni Willie Revillame.

Base sa balita ni nanay Cristy, “Si Toni Gonzaga po laging sinasabihan ng mga kalaban niya sa entablado de kampanya na wala na raw po siyang maasahan mula sa ABS-CBN. Nagbitiw na siya bilang host, di ba ng Pinoy Big Brother.

“Naku, mukhang mabibigo po kayo! Ngayon palang po ay balitang-balita na dalawang programa po kaagad ang pagre-reynahan niya sa bagong network na bubuksan ni Senador Manny Villar.”

Komento naman ni Romel Chika, “nakakainggit naman ‘yan ‘nay hindi pa nagbabago ang presidente may naka=line up na kaagad na proyekto.”

“Yes,” sabi kaagad ng batikang manunulat at host.

Dagdag pa, “Ngayon palang ay naka-plantilya na kaagad ang kinabukasan. Sabagay po, pana-panahon naman po ‘yan. Maaring ‘yung kawalan sa ating buhay, karagdagan naman dito sa kanan ganu’n naman ‘yun, e, di ba?

“Kapag may nawala, may papalit, kapag may nagsaradong pintuan, may nagbubukas na bintana at kung minsan buhos pa nga dahil buong bubong ang nagbubukas.”

Sabi naman ni Romel na napaka-suwerte ni Toni dahil, “hindi bumitiw at nanindigan at wala na siyang pakialam kung wala siyang kaibigang artista basta nanindigan siya sa pinaglalaban niyang prinsipyo.”

Sabi pa ni ‘nay Cristy, “saka gusto ko ‘yung kanyang stand bilang tahimik lang. Gusto ko ‘yun kasi alam niya na oras na sinagot niya ‘yung mga bashing manganganak nang manganganak ‘yun at hahaba nang hahaba at dadami pa ang mga isyu kaya mas maganda tahimik na lang. Yun ang pinakamagandang paraan ngayon, tahimik na lang!”

Sa kasalukuyan ay ang Toni Talks YouTube channel muna ang pinagkakaabalahan ng singer/actress/producer and TV host at kapag may malakihang campaign rally kina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio ay sumasama sila ng asawang si Paul Soriano dahil siya ang direktor sa lahat ng events.

Related Chika:
Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

Toni Gonzaga tuluyan nang nagbabu sa PBB: This is your angel, signing off…

Willie itutuloy na ang Wil Network habang hindi pa bukas ang AMBS, tutuparin ang pangako sa publiko

Willie nabiktima uli ng fake news: Kahit anong sabihin n’yo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending