Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan | Bandera

Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

Therese Arceo - May 06, 2022 - 09:54 AM

Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

DEDMA pa rin ang actress-singer na si Toni Gonzaga sa mga bashers na kaliwa’t kanan ang pambabatikos sa kanya simula nang magpakita siya ng suporta sa presidential candidate na si Bongbong Marcos.

At ngayon nga ay muling nag-viral ang aktres dahil sa video na kuha sa naganap na UniTeam grand rally sa Tagum City nitong Mayo 5.

Matapos kasing kantahin ni Toni ang “Umagang Kay Ganda” ng Apo Hiking Society ay nagbigay ito ng mensahe sa mga UniTeam supporters na present sa sortie.

Aniya, pinaghandaan daw talaga niya ang Tagum City dahil ito ang balwarte ng vice presidential candidate na si Sara Duterte, ang running mate ni Bongbong Marcos.

“Excited na ba kayong bumoto? Naaamoy n’yo na ba ang tagumpay ng bawat Pilipino?” tanong ni Toni sa mga tao.

Sey niya, ang tunay na laban daw ay hindi nasusukat sa paninira sa ibang kandidato.

“Ang tunay na laban sa halalang ito ay hindi nasusukat sa paninira ninyo sa ibang kandidato sa entablado,” saad ni Toni.

Dagdag pa niya, “Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan kung saan hindi na boses ko, boses ng kahit sino, o kahit sinong kandidato ang maririnig ninyo dahil mamayagpag na ang boses ng sambayanang Pilipino.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

 

Pinaalalahanan rin ni Toni ang crowd na bumuto sa darating na halalan sa Mayo 9.

Matatandaang hindi pa man nag-uumpisa ang kampanya ay katakot-takot na pamba-bash na ang natanggap ng aktres matapos ang kanyang interview sa presidential candidate at ninong sa kasal sa YouTube vlog nitong “Toni Talks”.

Marami ang nagalit kay Toni dahil sa hindi nito paggamit ng tama sa kanyang platform at naging “enabler” ito sa pagbabago ng mga Marcos sa kasaysayan ng bansa.

At ngayon ngang muling sinusubok ni Bongbong na masungkit ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, isa ang dating “Pinoy Big Brother” host sa mga patuloy na sumusuporta kay Bongbong at sa kanyang UniTeam.

Sa katunayan, isa rin si Toni sa mga artistang present sa nagdaang proclamation rally ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte na ginanap noong Pebrero 8, sa Philippine Arena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Toni Gonzaga tuluyan nang nagbabu sa PBB: This is your angel, signing off…

Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

Shaina Magdayao ibinandera ang pagiging ‘Kakampink’, bakit nadamay si Toni Gonzaga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending