Toni Gonzaga tuluyan nang nagbabu sa PBB: This is your angel, signing off…
“IT has been my greatest honor to host PBB got 16 years.”
Ito ang umpisa ng official statement ng TV host-actress na si Toni Gonzaga ukol sa kanyang pag-alis bilang main host ng reality show na “Pinoy Big Brother” na inilabas niya ngayong hapon, February 9.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang pormal na anunsyo ukol sa kanyang paglisan sa naturang reality game show kung saan naging bahagi siya ng 16 years.
“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!
“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.
“It’s been my privilege to greet you all with ‘Hello Philippines’ and ‘Hello World’ for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart.
“Thank you Kuya for everythibg. This is your angel, now signing of…” saad ni Toni.
View this post on Instagram
Isa si Toni sa mga naging pioneer hosts ng “Pinoy Big Brother” buhat nang magsimula itong umere noong 2005 kasama sina Willie Revillame at Mariel Rodriguez.
Ito na nga ang kumpirmasyon sa kaninang balita na ibinahagi ni MJ Felipe sa kanyang Twitter account kung saan may isang reliable source ang nagchika sa kanya sa pag-alis ni Toni sa programa.
Naglabas na rin ng statement ang management ng “Pinoy Big Brother” ukol sa pag-alis ng TV host-actress.
“We respect the decision of Toni Gonzaga-Soriano to step down as main host of “Pinoy Big Brother”.
“Toni has been part of our reality show for 16 years and we thank her for helping bring the stories of our housemates to our viewers,” saad ng management ng “PBB”.
Simula kahapon, February 8, ay trending na si Toni matapos itong mag-host sa naganap na proclamation rally nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.
Marami ang nasaktan nang iendorso niya si Rep. Rodante Marcoleta bilang parte ng senatorial slate ng UniTeam.
“Representante ng Sagip party-list. May laban tayo sa kanya. Number 43 sa balota. Congressman but soon to be Senator Rodante Marcoleta,” saad ni Toni.
Si Rodante Marcoleta ay isa sa mga kongresista na bumoto kontra sa renewal ng ABS-CBN franchise noong 2020 na nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng libo-libong empleyado ng Kapamilya network sa kalagitnaan ng pandemya.
Related Chika:
Toni exit na sa PBB, wala raw formal resignation; Bianca papalit bilang main host
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.