Payo ni Bea Binene sa kabataang artista: Makinig kayo sa magulang n’yo!
“MAKINIG kayo sa mga magulang n’yo!” Yan ang payo ng aktres na si Bea Binene para sa lahat ng mga kabataang artista ngayon.
Naniniwala ang Viva Artists Agency (VAA) talent na hindi maliligaw ng landas o mapapariwara ang isang artista lalo na ang mga nagsisimula pa lamang sa kanilang career kapag may guidance ng parents o guardians.
Ayon kay Bea, na bibida sa horror movie na “Pasahero” mula sa Viva Films, malaking tulong ang paggabay ng mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya sa isang nagsisimulang artista.
Baka Bet Mo: Bea Binene pwede nang mapanood sa iba’t ibang TV network, game pa ring magtrabaho sa GMA 7
Sa latest episode ng “Toni Talks”, nag-share ang dating Kapuso star ng kanyang realizations sa ilang taon niyang pamamalagi sa entertainment industry.
“Na-realize ko, showbiz can eat you up. Kapag kunwari may mas mga bata…’di ba ang laging tanong ‘anong tip mo sa kanila?’ Ako ang lagi kong sagot, ‘Don’t let it eat you up. Don’t lose yourself,’” paalala ni Bea.
Sundot na tanong ni Toni Gonzaga, “O, paano mo hindi malu-lose ‘yong sarili mo in the process?”
View this post on Instagram
Sagot ni Bea sa kanya, “Ako kasi, para sa akin, hindi ito ‘yung world ko. Parang there’s so much more into life.”
“And laking bagay na…noong bata tayo, ako kasi hanggang ngayon kasama ko si Mama. Lagi kong kasama si Mama,” saad ni Bea Binene.
Dugtong pa ng VAA star, “Dati, minsan nahihiya ako. Ako ‘yung pinakamatanda ako ‘yong may kasamang mama.
“Pero du’n mo mare-realize na laking bagay ng nandiyan si Mama,” sey pa ng aktres.
Mariing sey pa ni Bea, “Makinig kayo sa magulang n’yo!”
Dalawang dekada na si Bea sa showbiz industry at 18 years din siyang naging Kapuso hanggang sa magdesisyon siyang iwan ang network dahil sa umano’y hindi pagre-renew ng kontrata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.