Bea Binene pwede nang mapanood sa iba't ibang TV network, game pa ring magtrabaho sa GMA 7 | Bandera

Bea Binene pwede nang mapanood sa iba’t ibang TV network, game pa ring magtrabaho sa GMA 7

Ervin Santiago |November 16,2022
facebook
share this

Bea Binene pwede nang mapanood sa iba’t ibang TV network, game pa ring magtrabaho sa GMA 7

Ervin Santiago - November 16, 2022 - 07:59 AM

Bea Binene pwede nang mapanood sa iba't ibang TV network, game pa ring magtrabaho sa GMA 7

Bea Binene

POSIBLE pa ring mapanood ang actress-TV host na si Bea Binene sa GMA 7 kapag nabigyan ng pagkakataon dahil hindi na siya exclusive sa anumang network.

Super excited na ang dalaga na magtrabaho at umakting uli sa mga teleserye at pelikula makalipas ang ilang taong pamamahinga sa larangan ng pag-arte.

Sa latest vlog ni Bea sa YouTube, ibinalita niya sa kanyang fans and social media followers na nasa Viva Artist Agency na ngayon matapos pumirma ng exclusive contract.

Kamakailan lamang ay sumabak na sa kanyang comeback project si Bea, ang 10-part series na “The Rain In España” na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Nagpasalamat ang dalaga sa lahat ng kanyang fans na mula noon hanggang ngayon ay nandiyan pa rin para magmahal at sumuporta sa kanya.

“Life update if you don’t know, I’m now signed with VIVA Artists Agency so for sure you’ll be seeing more of me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bea Binene (@beabinene)


“‘Yung mga projects abangan niyo na lang sa Instagram ko, sa Facebook, at sa Twitter. I will be updating you guys,” pahayag ni Bea.

Dito, nabanggit din ng aktres na posible na siyang mapanood sa iba’t ibang TV network dahil nga nasa Viva Artists Agency at hindi na siya exclusive artist ng GMA 7.

Pero sey ng dalaga, hanggang ngayon ay super thankful pa rin siya sa Kapuso Network kung saan siya nagsimula at nabigyan ng magagandang pportunities.

“Now na there’s wider opportunities for me, mas maraming mga bagay na pwede tayong pagsamahan sana palagi pa rin kayong nadiyan para sa akin,” pahayag pa niya.

Aniya, game na game pa rin siyang magtrabaho sa GMA at makasama ang mga dati niyang mga kapwa Kapuso artists sa mga susunod niyang projects.

“I may be not exclusive with them but lagi kong sinasabi na I’m always a Kapuso and I’m forever thankful to GMA.

“So, kung meron silang project for me and if they think I’m the right fit for the show, for the role, kahit man nasaan ako I’m very much game dahil mahal ko rin naman yung mga tao doon,” chika pa ng aktres.

Sa ngayon, pinagsasabay ni Bea ang pag-aartista at ang kanyang kursong Professional Culinary and Pastry Arts sa Center for Asian Culinary Studies.

Bukod dito, kinukumpleto rin niya ang kanyang OJT at ilan pang school projects na naapektuhan ng taping schedule.

Bea Binene pumirna sa Viva, ready na nga bang magpa-sexy?

Bea Binene hindi pa kayang magpaseksi; pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending