Bea Binene hindi pa kayang magpaseksi; pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco | Bandera

Bea Binene hindi pa kayang magpaseksi; pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco

Ervin Santiago |September 27,2022
facebook
share this

Bea Binene hindi pa kayang magpaseksi; pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 08:21 AM

Bea Binene

MAY valid reason naman si Bea Binene kung bakit hangga’t maaari ay ayaw niyang magpaseksi o magpaka-daring sa mga susunod niyang projects.

Kamakailan ay pumirma na ng kontrata ang dalaga sa Viva Artists Agency na pag-aari ni Boss Vic del Rosario at looking forward siya sa mga ibibigay na proyekto sa kanya ng bago niyang talent management.

Nagsimula ang career ni Bea sa GMA 7 bilang child star noong sumali siya sa reality talent search na “Starstruck Kids,” hanggang sa maging isa sa mga pambatong “tween stars” ng Kapuso network.

Nakagawa ng ilang teleserye si Bea sa GMA sa loob ng 18 taon pero last year nga ay nabalitang hindi na siya nag-renew ng kontrata Kapuso Network.

View this post on Instagram

A post shared by Bea Binene (@beabinene)


Sa online presscon na in-organize ng Viva para sa kanya, natanong ang dalaga kung ano ang feeling ngayong nasa VAA na siya?

“Siyempre, naninibago. Kinakabahan ako kasi ngayon lang ako napalipat. It feels new, with different people, different surroundings, but I’m excited, I feel blessed. I look forward to working with all of them sa Viva,” sagot ni Bea.

Kasunod nito, nilinaw ng aktres ang isyu na talagang hindi na ni-renew ng GMA ang kanyang contract, “When the pandemic started, it was so scary. Wala pang vaccine, so nakakatakot lumabas as we don’t know what might happen.

“I just stayed with my family at home. I cannot do lock in taping kasi iba ito sa nakasanayang tapings. So napag-usapan namin, since you’re scared to do taping, hindi na muna.

“But I will always be very thankful to GMA. I wouldn’t be here without them. 18 years ako sa kanila. Literal na doon ako lumaki, sila ang naging kasama ko as I was growing up.

“I have plenty of friends with them all throughout my career, so forever silang magiging part of whoever I am now that I’m 24. But siempre, sa ngayon, we go doon sa kunsaan meron tayong trabaho,” pahayag ni Bea Binene.

At habang wala pa siyang trabaho noong kasagsagan ng pandemya, “I studied languages like Korean and Mandarin. I also took on line courses with various business schools like Harvard, Northwestern and London.

“I have a coffee shop sa Megamall but we closed it down during the pandemic kasi walang tao. But we are now transferring it to my mom’s province in Nueva Ecija,” aniya pa.

Mas nae-excite raw siya ngayong hawak na siya ng Viva, “Kasi hindi sila nakatali sa iisang network lang. Kahit saan, puede ang artists nila. So I look at it as part of my growth in my career.

“Sina Boss Vic, when I turned 18 may offer na pero ngayon lang nangyari. It’s a matter of right timing,” dagdag pang chika ni Bea.

Tungkol naman sa mga projects na nais niyang gawin sa Viva, kung ano raw ang ibigay sa kanya at aprubado ni Boss Vic ay handa niya itong pagtrabahuan.

Pero sabi ni Bea, hindi pa niya kayang magpa-sexy, “One thing is for sure. Hindi ko pa po kayang magpa-sexy at this point. No offense meant sa sexy stars but kailangang pag-iisipan ko muna kung kaya ko ba.

“Kasi baka pumayag nga ako, tapos, hindi ko naman ma-deliver nang maayos if I’m not fully confident about it. Hindi rin naman ako kasing-sexy ng sexy stars nila.

“Viva also assured me na hindi naman lahat ng stars nila nagpapa-sexy so may projects pa rin na wholesome,” sey ng dalaga na gusto ring mag-try sa hosting.

“Yes, I want to do a travel show, or a magazine show. Ang dream ko talaga is to be a news anchor, like Tita Mel Tiangco kasi I’ve done ‘Good News’ before as a child newscaster. Kung magpapa-sexy ako, hindi ko na maa-achieve ‘yung goal kong maging news anchor,” sabi pa niya.

Sa tanong kung sinu-sino sa mga Viva artists ang gusto niyang makatrabaho, “I’d like to work with all of them. Hindi ako mamimili. Kung sino ang tingin ng Viva na bagay ang chemistry sa akin, I will trust them. As of now, wala pang specific projects for me, basta bahala na ang VAA.”
https://bandera.inquirer.net/311768/bea-binene-nanindigan-para-sa-bet-na-kandidato-sey-ng-netizens-the-only-bbm-we-stan

https://bandera.inquirer.net/283047/bea-binene-tapos-na-ang-kontrata-sa-gma-lilipat-na-rin-ba-ng-tv-network
https://bandera.inquirer.net/296715/manilyn-kinakarir-ang-pagwo-workout-naadik-sa-boxing-at-hula-hoop

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307084/alexa-ilacad-handang-sumabak-sa-pagpapaseksi-pero-may-kundisyon-idol-na-idol-si-dua-lipa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending