Rhian Ramos pasabog, naka-bikini habang nagbe-bake
TRENDING ngayon sa social media ang Kapuso actress na si Rhian Ramos matapos niyang ibandera ang paraan ng kanyang pagbe-bake.
Paano ba nama’y kasabay ng kanyang pagbe-bake ang pagbabandera ng aktres ng kanyang sexy body dahil naka-bikini lamang ito habang nagbe-bake ng cookies.
Hindi tuloy alam ng mga netizens kung ano ang uunahing purihin, kung ang masarap bang cookies na gawa ni Rhian o ang kanyang physical appearance.
“5 years ago, my obsession for the perfect chocolate chip cookie began.
Baka Bet Mo: 2024 ni Rhian Ramos busog-lusog; may 8 project na agad ngayong 2025
Bandera IG
“For the first time ever, I’ve decided to make them available to the public,” pagbabahagi ni Rhian.
Ibinahagi rin niya ang website kung saan maaaring umorder ng kanyang baked goodies.
Nang bisitahin naman namin ang comment section ng post ni Rhian ay super havey ng mga comments hindi lang ng mga netizens bagkus pati ng mga artistang malapit rin sa kanya.
“Ah ganito pala dapat mag bake! Seriously, your cookies are [emoji],” saad ni Iza Calzado.
Comment naman ni Isabelle Daza, “Umm..Rhian where’s the cookie i wana see it.”
“Sabi ko na kaya hindi masarap ang cookies ko. Di ganito outfit ko,” chika naman ng isang netizen.
Hirit naman ng isa, “Ang init-init mag-bake pero mas nagpapainit si Rhian.”
Bukod pa rito ay nabanggit rin ang pangalan ng kanyang boyfriend na si Sam Versoza dahil swerte ito sa aktres.
Hindi naman ito ang unang beses na ibinida ni Rhian ang kanyang baking habang naka-bikini.
Noong 2921 nang unang mag-post ang aktres tungkol sa kanyang cookie business.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.