Vice tinukso si David: Pwede bang ligawan ng leading man ‘yung leading lady?
VIRAL sa social media ang panunukso umano ni Vice Ganda kay David Licauco nang bumisita ito sa “It’s Showtime” kamakailan lang.
Naging celebrity player ang Kapuso heartthrob sa isang segment ng noontime show kung saan kinailangan niyang matukoy kung sino ang tunay na choreographer mula sa tatlong participants.
Para mahulaan, nagtanong si David: “Pwede bang ligawan ng choreographer ‘yung mga estudyante?”
Nag-react naman agad diyan si Vice at tila ibinalik ang tanong sa aktor.
Baka Bet Mo: David gustong sisirin ng mga beki, nagmumura ang pandesal sa katawan
“Pwede bang ligawan ng leading man ‘yung leading lady?” pang-aasar ng komedyante na tinawanan naman ni David at iba pang hosts na kasama nila.
Inulit ito ni Vice na mas detalyado: “Pwede bang ligawan ng leading man ‘yung leading lady kahit bagong hiwalay pa lang?”
Hindi makasagot si David sa biro ng TV host, kaya tumawa na lamang siya at nagkamot ng ulo.
Kasunod niyan ay ipinaalala ni Vice ang “three-month rule” matapos ang breakup at pinansin ang namumulang tenga ni David.
Walang binanggit na pangalan si Vice, pero obvious naman na ang tinutukoy niya “leading lady” ay ang ka-love team ni David na si Barbie Forteza.
Recently lamang nang isinapubliko ni Barbie ang paghihiwalay nila ng longtime boyfriend na si Jak Roberto.
Kasunod niyan ay lumutang din ang mga tsismis na “single” na rin si David at break na rin sila ng non-showbiz girlfriend.
Dahil diyan, maraming fans ang nasiyahan at inisip na finally ay magkakaroon na ng chance na maging “real” ang reel partnership ng dalawa dahil pareho na silang walang dyowa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.