Magka-loveteam hindi magkasundo kapag off cam

Magka-loveteam hindi magkasundo kapag off cam, aktor ‘pakitang tao’ sa fans

Reggee Bonoan - January 24, 2025 - 08:10 AM

Magka-loveteam hindi magkasundo kapag off cam, aktor 'pakitang tao' sa fans

blind item

HANGGANG love team lang talaga ang nakikita naming relasyon ng aktor at aktres dahil off-cam ay nakitaan na naming hindi nagkakasundo sa ilang bagay ang dalawa.

Sa isang showbiz events na hindi pa nagsisimula at hindi naman kami kilala ng magka-loveteam na ito kaya malaya silang nag-uusap ay naringgan naming may gustong puntahan ang aktres at inaaya ang aktor na ayaw, pero in a nice way niyang sinagot ang ka-loveteam ng, “Anong gagawin? Matagal ‘yun, eh, need ba talaga?”

Sagot ng aktres, “Ayaw mo ba?”

Katwiran ng aktor, “Matagal kasi, sayang oras.”

Ang intindi namin kapag walang kinalaman o hindi naman kabilang ang aktor sa pupuntahan ay waste of time para sa kanya at si aktres ay tila gustong magpasama since magkasama na sila ng araw na iyon.

Baka Bet Mo: Female celeb nahuling may BF ang karelasyong aktor kaya nakipaghiwalay agad

Heto na ang nakakatawa nang magsimula na ang presscon ay panay ang puri ng magka-loveteam sa isa’t isa at kung may mga hindi man sila pinagkasunduan ay nag-uusap sila at okay na ulit.

Maraming may gustong maging “sila,” pero parang hindi naman nila bet ang isa’t isa.

May isa pa kaming napansin sa aktor na may mga stuff na dala-dala ang supporters nila at ibinigay sa kanya at tinanggap naman niya ito with matching smile at super thank you.

After the presscon inilapag ng aktor ang stuff sa upuan na bigay sa kanya ng supporters at naki-chika sa mga taong taga-production at tsaka umalis.

Gusto naming isiping nalimutan ng aktor ang stuff na bigay sa kanya or baka ini-expect niyang may kukuha o magdadala para sa kanya.

Hmm, medyo hindi namin bet ang ganu’n ugali ni aktor dahil parang hindi niya binigyan ng importansiya ang pinaghirapan ng supporters niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, showbiz na showbiz na talaga si aktor dahil kapag nasa harap ng kamera ay super-super nice, pero off-cam ay ewww.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending