Female celeb nahuling may BF ang karelasyong aktor

Female celeb nahuling may BF ang karelasyong aktor kaya nakipaghiwalay agad

Reggee Bonoan - November 30, 2023 - 10:53 AM
Female celeb nahuling may BF ang karelasyong aktor kaya nakipaghiwalay agad

NAPAKARAMING magka-loveteam ang hiwalay na ngayon pero itong bida sa blind item namin ay nagparamdam na sa mga kaibigan nila lalo na ang aktres na tila gigil na sa galit.

In fairness naman kay aktres ay ayaw niyang magsalita tungkol sa lovelife niya at kapag natatanong ng media ay panay ang iwas niya sa isyu at sabay ngiti.

Samantalang ang dyowa niyang aktor ay dedma rin at mailap magpa-interview sa press people dahil siguro alam niyang nasa kanya ang pagkakamali.

Tsika ng aming source, “Nabuking kasi ni ____ (aktres) na playing beautiful music together ang dyowa niya at si ____ (ex-dyowa). Nauna naman kasing naging magdyowa at aktor bago naging sila ni ____ (aktres).”

Baka Bet Mo: McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize

Nagulat kami kasi ang binanggit na ex-dyowa ng karelasyon ng aktres ay kapareho rin ng gender niya, sa madaling salita ay LGBTQIA+ member ang aktor.

“Nagkabalikan sila _____ (dalawang aktor) may ilang buwan na at nalaman ni ____ (aktres) kaya nag-away sila muna hanggang sa nagbabu na si ate girl,” say ng aming source.

At dahil nakipaghiwalay na si aktres sa sa dyowang aktor ay tila uma-align ang mga bituin sa kanilang dalawa dahil parehong mainit ang mga karera nila ngayon.

Sabagay, si aktres ay may bagong TV project samantalang ang dyowa niyang aktor ay malapit nang umere ang teleseryeng kabilang siya.

Meaning, pareho silang inuulan ngayon ng blessings.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending