McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize | Bandera

McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize

Ervin Santiago |December 01,2021
facebook
share this

McCoy, Elisse wala pang balak magpakasal, uunahin muna ang pag-aalaga kay Baby Felize

Ervin Santiago - December 01, 2021 - 06:55 AM

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize

BAKA medyo matagalan pa bago magpakasal ang young celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Pareho ang mga priorities ngayon ng magdyowa, ang ituon ang lahat ng kanilang atensiyon sa anak nilang si Baby Felize McKenzie na seven months old na ngayon.

Kamakailan, ay ipinagdiwang nina Elisse at McCoy ang ika-7 buwan ng kanilang pagiging parents. 

Nag-post pa ang Kapamilya actress ng mga litrato na kuha sa intimate party ng kanilang pamilya at nilagyan ng caption na, “Happy 7 months, Felize. It’s true what they say, time goes by so fast when you have a little one.”

Sa isang panayam, nabanggit nga ng celebrity parents na ang top priority nila ngayon sa kanilang pagsasama ay ang kanilang panganay.

“It’s been a ride. Pero focused kami siyempre kay Felize, baptism pa niya, first birthday. So yun yung plans namin,” ang pahayag ni Elisse.

Samantala, feeling ng aktres at first-time mom, maraming nagbago sa kanila ni McCoy simula nang dumating sa buhay nila si Felize at magsama bilang nanay at tatay.

“Siguro nadoble yung patience namin. Napansin ko rin kay McCoy he’s very patient and mas dumagdag yung understanding niya kasi hindi lang sa akin pati na rin sa baby,” chika ni Elisse.

Hirit naman ni McCoy, “Naku, maraming-maraming na-discover si Elisse. Siyempre nandu’n na kami sa isang bahay. Hindi biro yun. 

“Natutunan ko siyempre na mabuhay ng may kasama. Kaya sa akin kasama yun sa buhay eh. Kaya I’m learning pa rin hanggang ngayon,” sey pa ng aktor na bibida sa musical film na “Yorme: The Isko Domagoso Story.”

Sabi nga ng proud tatay, ngayon daw ay mas tumapang at mas naging madiskarte pa sa buhay dahil may sarili na siyang pamilya na kailangang buhayin.

View this post on Instagram

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Kung matatandaan, unang nagkakilala sina McCoy at Elisse bilang housemates sa 7th season ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother noong 2016. Dito nga sila nakilala bilang magka-loveteam at binansagang McLisse.

Naging magkarelasyon sila paglabas ng Bahay ni Kuya ngunit taong 2018 nang maghiwalay. Nito lamang June, 2021 nang ibandera ni McCoy na nagkabalikan na nga sila ni Elisse.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last April, 2021 naman nang ipanganak si Felisse McKenzie.

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

McCoy naka-relate sa life story ni Yorme: Titirahin ka ng masasakit na salita, durog na durog ka…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending