Aktres hindi makangiti, hirap mag-hello dahil bagong 'botox'?

Batikang aktres hindi makangiti, hirap mag-hello dahil bagong ‘botox’?

Reggee Bonoan - March 09, 2025 - 08:40 AM
Batikang aktres hindi makangiti, hirap mag-hello dahil bagong 'botox'?

BAGONG botox kaya ang premyadong aktres dahil hindi makangiiti nang batiin siya ng ilang media friends nang makita siya sa airport kamakailan.

Ito ang tanong ng aming mga kasamahan sa panulat dahil nakasalubong namin ang premyadong aktres at sabay bati sa kanya pero hindi ito ngumiti, ang sagot lang ay “hello” na tila hirap pang masabi.

Duda ng isa sa kasamahan namin, “Mukhang bagong botox (aktres) hirap igalaw ang fez.”

Pero ang kasama niyang guwapong guy ay bumati naman.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna nagpa-botox ng ilong para maganda pa rin ang pag-iyak sa harap ng camera, pero hindi raw nagparetoke

At habang naghihintay kami ng boarding ay kanya-kanyang tsika na ang mga kasamahan namin tungkol sa premyadong aktres.

Sabi ng kasamahan namin, “Kaloka kapag presscon panay ang bati at mega beso pa, ngayon ay waley.”

Anyway, si aktres ay lulubog lilitaw ang karera dahil mas prayoridad nito ang pamilya.

“Wala na kasing kumukuha sa kanya kasi simangot siya,” birong seryoso ng kasamahan namin.

Tsinek namin sa wikipedia ang latest show o movie ng simangot este bagong botox nga bang aktres at may naging show siya nu’ng 2023 at 2024.  May gagawin siya ngayong 2025.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending