Kitty Duterte ikinumpara sa anak ng former presidents, kinulang sa manners?
HINDI maiwasang ikumpara si Kitty Duterte, bunsong anak ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa mga naging anak ng mga nagdaang president ng Pilipinas in terms ng ugali.
Ayon sa showbiz observers na nakatsikahan namin na nakapanood ng videos nu’ng arestuhin ang tatay Digong niya, “Bakit ganu’n ugali ni Kitty? Parang walang manners? Tapos ang lutong magmura?”
Dagdag pa, “nu’ng hinuli si dating Presidente Erap, kalmado mga anak kahit kita mon a sa mga mukha nilang galit sila, ang magkakapatid na Marcos, nakitaan mob a na barbaric sila? E di lalo naman ang Aquino nu’ng abangan at patayin si Ninoy (ex-senator Benigno Aquino) kalmado lang din, si Kris na ilang taon lang nawalan na ng ama naringgan mo bang magmura?”
Sabi namin na bata pa kasi itong si Kitty kaya siguro hindi pa niya kayang kontrolin ang saloobin niya at dahil bunso siya at daddy’s pet kaya siguro ganu’n bukod sa worried siya kasi matanda na tatay niya kaya hindi siya nakapag-isip ng tamang termino.
Baka Bet Mo:Kitty Duterte manang-mana raw kay Digong, malutong ding magmura
View this post on Instagram
“Ugali na niya ‘yan, hindi lang nasusupil, alam mon a Gen Z, eh. Mga ganyang edad ngayon akala mo alam na nila ang lahat-lahat,” katwiran pa sa amin.
Isinisigaw kasi ni Kitty nu’ng inilipad si PRRD patungong Hague, Netherlands ay nagbitaw ng salita ang bunsong anak na ‘kinidnap’ daw ang daddy niya.
Pinost ni Kitty sa kanyang Instagram stories na may account name, Veronica Duterte ang larawan ng eroplanong sinakyan ng ama at ang caption ay, “Filipinos, this is the plane they used to kidnap may dad. #neverforget.”
Kaagad namang pinaliwanagan si Kitty ng editor in chief ng The Post na si Tanya Lara by writing an open letter
“Dear Kitty Duterte: Your father wasn’t kidnapped, he was arrested for his crimes against humanity, for the thousands gunned down without trial during his six years of psychotic presidency. So don’t play the victim now—you who continue to enjoy the spoils of his corruption, whose sister was caught stealing hundreds of millions of “confidential funds.” Wow, you overachievers!!
“Your father did so much damage to the Filipino psyche that many think murder is justified, that it’s the solution to the drug problem. It’s heartbreaking it took this long to arrest him and for justice to start its process.
“Please don’t hijack #neverforget because you clearly don’t understand its meaning. You’re not the victims here. In fact, your family has reduced the humanity of Filipinos to a joke—a mere spectacle of victims, bound and gagged and thrown in the streets, and murdered children dismissed as “collateral damage.” THAT, Kitty, is what we will never forget.”
Isa rin ang post ng #KabataanPartyList sa nabasa namin sa X account.
“Kabataan to Kitty Duterte: Stop This Pa-Victim Behavior. Your Family is not the Victim, Your Father Rodrigo Duterte is the Victimizer “In the eyes of Filipinos, Rodrigo Duterte will always be the dictator, murderer, and victimizer, never the victim. Kitty Duterte’s social media.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Kitty Duterte o ng kampo niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.