Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam | Bandera

Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam

Reggee Bonoan |November 05,2022
facebook
share this

Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam

Reggee Bonoan - November 05, 2022 - 12:40 PM

Baguhang aktres todo kayod para sa pangarap, nakiusap na mapasama sa pelikula ng sikat na loveteam
ABUT-ABOT ang pakiusap ng baguhang aktres sa kanyang manager na gawan ng paraan ang kanyang schedule para mapasama sa pelikula ng magka-loveteam na pinagkakaguluhan ngayon.

May ibang pelikula ginagawa ang baguhang aktres at masasabing magandang exposure ito para sa kanya dahil malalaking artista ang mga kasama niya rito at hindi dito sa Pilipinas ipalalabas kundi sa ibang bansa kaya tinanggap ito ng kanyang manager.

Ang problema um-oo na pala ang baguhang aktres sa director ng pelikula ng magka-loveteam bagay na hindi alam ng kanyang manager.

Kaya nu’ng magso-shoot na ang baguhang aktres para sa pelikula ng magka-loveteam ay nataranta siya kasi nga halos magsasabay ito sa malaking pelikulang tinanggap naman ng manager niya.

Ang ending kinausap siya ng producer ng pelikula ng magka-loveteam na kailangan niyang mamili dahil kung hindi siya puwede ay kukuha ng kapalit niya.

Kaagad na nakipagkita ang baguhang aktres sa manager niya at talagang nakiusap na sana magawan ng paraan ang schedule niya para ma-accommodate ng pelikula ng magka-loveteam.

At dahil mabait ang manager ng baguhang aktres at naiintindihan niya ang alaga kaya ang ibibigay na araw sa pelikula ng magka-loveteam ay tuwing day-off nito.

Kaya sa loob halos ng isang buwan ay lagare ang baguhang aktres na kahit pagod na pagod na ay go pa rin siya alang-alang sa career.

In fairness naitawid naman ng baguhang aktres ang dalawang pelikula kaya naman ang saya-saya niya ngayon dahil ka-join siya sa pelikula ng magka-loveteam na inisip namin na ‘fan’ kaya siya ng dalawa?

Nalaman namin na hindi naman pala kalakihan ang role ng baguhang aktres sa pelikula ng magka-loveteam mabuti na lang at hindi niya binitiwan ang malaking pelikulang tinanggap ng manager niya or else baka magsisi siya sa liit ng exposure niya.

Marunong umarte si baguhang aktres kaya hindi na kami magtataka kung isang araw ay sikat na siya at ka-level na niya ng pangalan ang magka-loveteam.

Related Chika:
Showbiz couple bigla na lang naghiwalay; may malalim na dahilan ayon sa aktor

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktres nabuntis habang nasa lock-in taping, ang asawa kaya ang ama o nasalisihan siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending