Kilalang aktres nabuntis habang nasa lock-in taping, ang asawa kaya ang ama o nasalisihan siya? | Bandera

Kilalang aktres nabuntis habang nasa lock-in taping, ang asawa kaya ang ama o nasalisihan siya?

Reggee Bonoan |June 23,2022
facebook
share this

Kilalang aktres nabuntis habang nasa lock-in taping, ang asawa kaya ang ama o nasalisihan siya?

Reggee Bonoan - June 23, 2022 - 09:31 AM

Mahulaan n’yo kaya kung sino ang aktres na ito? Guess, guess na!

ISA na namang sikat na dramatic actress ang nasa interesting stage ngayon pero nag-iisip pa siya kung iaanunsyo ito agad sa publiko o palilipasin muna ng ilang buwan.

Wala namang problema kung buntis ang dramatic actress dahil matagal naman na silang kasal ng kanyang asawa at anak na lang ang kulang para mas lalo silang maging masaya.

Ang kaso may sitsit kaming narinig mula sa aming source, ang dramatic actress ay almost two months na nasa lock-in shoot ng pelikulang ginagawa niya, pero more than a month pa lang siyang buntis?

Hindi naman niya kasama sa set ang asawa kaya tinanong namin ang ating source kung dumalaw ang asawa sa location at nagpalipas ng ilang gabi.

“Hindi naman namin nakita, saka bawal kasi ang bisita kasi lahat naka-swab, so puwede namang dumalaw basta magpapa-swab, e, so far sa tagal namin sa location hindi ko naman nakitang dumalaw si ____ (asawa ng dramatic actress).

“Pero hindi ko naman isinasara ‘tong pag-uusap natin, baka nga dumalaw na hindi ko lang nakita o napansin kasi ngarag naman lahat sa set. Pero sige ipagtatanong ko,” kuwento ng aming kausap.

Inalam namin kung sinu-sino ang mga kasama ng aktres sa pelikulang ginagawa niya at nang banggitin sa amin ay wala namang kasamang same age niya at tipong magugustuhan nito dahil kilala namin ang mga type niya, mga smart guys.

Muli naming pinabanggit ang mga pangalan ng mga kasamang aktor ni dramatic actress sa set at wala talaga kaming maisip o posibleng magustuhan niya at higit sa lahat, wala kaming alam na may record siya na nagtsi-cheat kahit noong dalaga pa siya.

In fact, isa siya sa tinitingala ng ilang younger actresses noong dalaga pa siya dahil nga loyal siya sa mga naging partners niya, kumbaga one at a time ang drama niya sa pakikipagrelasyon.

Anyway, wait na lang natin ang announcement ng dramatic actress tungkol sa kanyang pagdadalang-tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

Jaclyn inaatake na ng depresyon dahil sa pandemya: Nakakatakot, very, very hard, and so scary…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending