TV star P4.5-M ang TF sa 1 event; naningil pa ng P1-M para sa FB

Kilalang celebrity milyones ang TF sa 1 event; naningil pa ng extra para sa FB Live

Ervin Santiago - March 10, 2025 - 06:00 AM

Movie-TV star P4.5-M ang TF sa 1 event; naningil ng extra P1-M para sa FB Live

Guess, guess, who!?

NAKAKALOKA pala talaga ang sinisingil na talent fee ng isang sikat na movie and TV star sa bawat project na tinatanggap niya.

Knows n’yo ba na sa isang simpleng engagement o event guesting lang ay milyun-milyon na ang bayad sa kanya?Kaya naman hindi nakapagtataka na super rich na siya ngayon.

May nakapagkuwento sa amin na kinuna siya ng isang producer para mag-show sa isang probinsya. Ang hiningi niyang talent fee ay talagang sobrang laki.

In fairness, sulit na sulit naman daw ang ibinayad nila kay movie and TV personality dahil bongga talaga ang ibinigay niyang production para sa kanyang audience na umuwing super happy sa kanilang napanood.

Pero ito na ang plot twist, nang sabihan ang team ng kilalang celebrity na ila-live sa social media ang event kailangan daw silang magbayad ng additional dahil hindi raw ito kasama sa package na binayaran nila.

Siyempre, hindi na pumayag ang mga producer dahil hindi na makatarungan ang hinihingi ng team ni movie and TV personality.

Feeling nila, parang lugi na sila sa naturang demand at hindi naman daw nila yun kikitain o mababawi sakaling ini-live nila ang event.

At ito pa, sey ng ating source, umabot sa mahigit 20 rooms ang ipina-reserve ng production sa tinuluyang hotel ni movie and TV personality dahil sa dami ng  kanyang entourage.

Kaloka! Ganu’n daw talaga karami ang bitbit na staff ng bida sa ating blind item. Ayaw daw kasi niyang nagsisiksikan sa  isang kwarto ang kanyang glam team at iba pang mga alalay.

“But wait there’s more! Pati tubig! Ayaw niya ng basta mineral water ang ipapainom sa staff niya. Kung ano raw ang tubig niya, kailangan yun din ang ibigay sa lahat ng staff niya.

“E, mamahaling water yung ni-request niya. So, lahat ng alalay niya ganu’n din ang give!

“Talagang ibinigay ng producer lahat ng demand niya para wala na lang maging problema,” rebelasyon pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala munang clue ha, mga ka-BANDERA pero feeling ko mahuhulaan n’yo agad kung sino ang star ng Pasko, este ng ating blind item.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending