Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl | Bandera

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Reggee Bonoan |October 12,2022
facebook
share this

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Reggee Bonoan - October 12, 2022 - 08:40 AM

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Guess, guess who?! Tama kaya ang hula mo?

KAYA pala hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan ng sikat na aktor at aktres ay dahil ayaw pumayag ng boyfriend ng dalaga.

Kuwento mismo ng malapit na kaibigan ng aktor, “Dehins na. Wala na ‘yun. Sobrang nagseselos si ____ (boyfriend ng sikat na aktres) kay ____ (sikat na aktor).

“Matinding away dati ang nangyari nu’ng pinayagan si ____ (sikat na aktres) ng management niya, bakit hindi raw ipinaalam sa kanya.

“Trabaho ‘yun, eh, saka alam ko nag-usap sila bago tanggapin ng management ni ____ (sikat na aktres) ‘yung movie.

“Kaya alam ko nagkaroon din ng problema ‘yung management at si ____ (boyfriend ng sikat na aktres).  Nag-away din ‘yung dalawa (magdyowa),” kuwento pa sa amin.

Sa hindi malamang dahilan ay sobrang nagseselos ang boyfriend ng sikat na aktres sa leading man nito kaya nagkagulo noon dahil ayos na lahat, nakausap na ang buong prod na mamahala pati ang locations at iba pa.

“E, tinopak si ____ (boyfriend ng sikat na aktres), nagalit nang todo, so, nag-away silang dalawa. Alam ko nag-cool off sila, alam ko ilang araw silang hindi nag-usap.

“Tapos si ____ (sikat na aktres) na rin ang humingi ng dispesna sa kampo ni ____(sikat na aktor) pati sa kanya na rin. Hiyang-hiya si ____ (aktres) kasi naman, di ba?” kuwento ng taong kaibigan ng dyowa ng sikat na aktres.

Maraming nag-aabang pa naman sa pagsasama ng dalawang sikat na artista sa movie dahil tiyak na magiging blockbuster ito kahit pa kababalik lang ng mga sinehan.

Maganda kasi ang chemistry ng dalawa sa screen dahil nagkaroon na sila noon ng project pero wala pang humaharang noon dahil single palang ang sikat na aktres at gayun din ang sikat na aktor.

E, ngayon may boyfriend na ang sikat na aktres na super seloso kaya shelved na ang pelikulang gagawin sana nila.

Hindi rin tinitingnan ng boyfriend ng sikat na aktres ang sikat na aktor kapag pareho silang nasa event at umiiwas din ang huli para wala na lang gulo.

Sobrang mahal ng sikat na aktres ang boyfriend niya kaya hindi nito ramdam na nakakaapekto ito sa karera niya bagay na laging sinasabi ng kanyang management.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294172/male-star-pinrotektahan-pa-rin-ang-ex-gf-na-aktres-kahit-nakipagchurvahan-sa-isang-aktor

https://bandera.inquirer.net/316027/sikat-na-aktres-puro-tira-tirang-ulam-ang-inireregalo-kaibigan-nagreklamo-sa-panis-na-pasalubong https://bandera.inquirer.net/313403/malilisyosong-post-ni-andrea-sa-socmed-peke-talent-manager-nagbanta-sa-poser-at-nagse-share https://bandera.inquirer.net/305176/heart-nagtagumpay-dahil-sa-pagiging-totoo-kikay-talaga-ako-at-may-narating-ang-pagkakikay-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending