Direktor na mahilig manlait, pero sablay ang latest movie

Direktor na mahilig manlait na-‘back to you’ dahil chaka ang latest movie

Reggee Bonoan - April 04, 2025 - 08:46 AM

Direktor na mahilig manlait na-'back to you' dahil chaka ang latest movie

LUKANG-LUKA ang ilang artista at direktor sa pelikulang pinanood nila na ipalalabas isa sa mga araw na ito.

Sa isang umpukan ng inuman ng mga taga-production, may ilang kasamang artista at direktor ay kanya-kanya silang bigay ng komento tungkol sa pelikula na parang hindi raw idinirek ng premyadong direktor.

Kuwento sa amin mismo ng artistang kasama sa inuman, “Si (direktor na laging hurado) nagulat sa pelikula ni direk (nagdirek ng pelikula) nagtataka kung siya ba mismo ang nag-direk kasi parang iba. Hindi siya nagandahan.”

‘Talaga ba?’ tanong kaagad namin sa kausap naming artista na sumagot naman ng, “Kilala mo naman si direk (laging hurado) ‘di ba?”

Baka Bet Mo: Maine nag-react sa ‘blind item’ na tungkol sa host na suplada, mataray

In fairness naman ay halos lahat ng choices ng direktor na laging hurado ay nanalo ng awards sa ilang film festivals na kasama siya.

Ang direktor na hindi raw maganda ang pelikula ay ginawang laughing stock ng grupong nagiinuman dahil, ‘Anyare kay (direktor)?’

Ginawang pulutan ng mga nag-iinuman ang direktor dahil kung makalait daw sa ibang pelikula ay akala mo napakahusay nIya.

Sa isang festival na isa ang direktor na nag-direk ng pelikulang hindi maganda ay isa sa hurado at hindi nito nagustuhan ang pelikulang entry ng new breed of actors dahil ang babaw daw ng acting ng pinakabida sa pelikula at iba pa kaya hindi nito binigyan ng puntos at nanghikayat pa raw sa ibang hurado na hindi panalunin ang nasabing pelikula.

Laking pasalamat ng ilang taong involved sa pelikula dahil dalawang hurado lang ang nahatak ng direktor at ikatlo nga siya dahil pagkatapos noon ng awards night ay sampung tropeo ang naiuwi ng pelikulang hindi nila bet panalunin.

Mas lalong nabigyan ng hustisya ang pelikula dahil humakot din ito ng award mula sa iba’t ibang awards giving body.

Ang direktor kasama ang dalawa niyang kaibigang hurado ay nganga pagkatapos ng awards night dahil naging kontrabida tuloy sila sa paningin ng kapwa-hurado during the deliberation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ng kausap naming artista, “Ano kaya ang feeling ngayon ni (direktor) ngayon kasi na ‘back to you’ siya?”

Siyempre mega-check kami ng mga pelikula ng premyadong direktor baka nga naman super box office ito para may karapatan siyang manglait susme wala pala kaming napanood na pelikula niya dahil hindi kami ang market ng mga ‘yun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending