Beteranong aktor biglang nag-disappear, nakatulog sa kalasingan

Beteranong aktor biglang nag-disappear, nakatulog sa kalasingan

Reggee Bonoan - March 26, 2025 - 05:37 PM

Beteranong aktor nag-disappear sa taping, tulog na tulog sa kalasingan

LUKANG-LUKA ang buong production sa beteranong aktor dahil bigla itong nawala as in hindi makontak naka-lock in shoot kasi ang lahat.

Ang tsika ay nagpaalam ang aktor sa production ng proyektong ginagawa niya since may isang araw silang day-off at nagsabing may bibilhin lang at umokey naman ang lahat dahil karapatan naman talaga ito ng artista.

Sa pagkakaalam ng lahat ay sumegue ito sa isa pang project na ginagawa niya pero hindi pala nagpunta roon at hinahanap na kaya nalaman ng taga-production na nawala si beteranong aktor at mega tawag sila pero hindi nila makontak dahil patay ang cellphone nito.

Nataranta na ang lahat kaya tinawagan ng taga-prod ang kaanak ng beteranong aktor na kasama sa bahay at hindi naman daw umuwi o tumawag sa kanila.

Bale ba may shoot kinabukasan ang beteranong aktor at dapat on set siya ng maaga dahil maagang magro-roll ang kamera ng direktor.

Baka Bet Mo: Beteranong aktor insecure na plastik pa; buking ang modus sa mga naging dyowa

Hanggang sa tumawag ang ilang kaibigan ng beteranong aktor sa mga missed calls nito ng buksan nila ang cellphone at bingo, tulog na tulog pala ang aktor dahil nakipag-inuman ito.

Hindi malaman ng mga taong nag-aalala sa beteranong aktor kung magagalit o maiinis dahil nataranta silang lahat at nagbilang pa nga ng oras na kapag umabot sa 24 oras na nawawala ay ire-report na nila sa pulis, ending lasing lang pala.

Ilang beses na rin naming nakapanayam ang beteranong aktor at hindi namin mawari kung suma-shot muna ito bago makipag-usap sa reporters dahil amoy chico siya lagi.

* * *

In fairness PG ang rating na ibinigay ng MTRCB sa pelikulang My Love Will Make You Disappear na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino kaya puwede itong mapanood ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang.

Mula sa Star Cinema, ang pelikula ay umiikot sa isang babae na umibig sa may-ari ng bahay na kanyang inuupahan. Ang film concert na “Imagine Dragons: Live From Hollywood Bowl (With The La Film Orchestra)” at “The Unbreakable Boy,” ay parehong rated PG din.

Payo ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “Sa PG rating, dapat alam ng mga magulang ang ibig sabihin ng mga salita para sa kapakanan ng mga batang manonood.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, dahil sa mga alien at nakakatakot na eksena, ang American-Thai supernatural “Home Sweet Home: Rebirth,” ay rated R-13. Ibig sabihin, angkop lamang ito sa edad 13 at pataas.

Ang horror-thriller na “Shadow of God,” ay R-16, para sa mga edad 16 at pataas dahil sa mga eksena, lenggwahe, at pagsanib ng demonyo na hindi angkop sa mga batang edad 16 at pababa. Tiniyak ng Board na ang mga pelikulang ipapalabas ngayong linggo ay nabigyan ng angkop na klasipikasyon na akma at swak para sa iba’t ibang edad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending