Pa-divang female star reklamador na, sumbungera pa!

Pa-divang female star reklamador na, sumbungera pa!

Reggee Bonoan - March 16, 2025 - 04:55 PM

Pa-divang female star reklamador na, sumbungera pa!

Guess, guess who!?

NAMALI kami sa pagpuri sa mahusay na aktres dahil akala namin ay wala siyang diva attitude, at sumbungera rin pala.

Puring-puri pa naman namin ang mahusay na female star dahil magalang at maayos kausap kaya gustung-gusto naming pinapanood ang lahat ng interviews niya.

Pero hindi pala ganu’n ang ugali niya sa likod ng camera dahil reklamador kapag limang minutong late ang service na maghahatid-sundo sa kanya, ayaw na ayaw din niyang pinaghihintay siya sa hotel lobby sa loob ng limang minuto.

Minsang bumaba ng mas maaga sa pagdating ng service ay nagmaktol at nagreklamong wala pa ang sundo niya kaya umakyat ulit sa room niya at siya naman ang hinintay na umabot sa 10 minutes.

Bago pala siya pumunta sa shoot ay kailangan kumpleto na ang mga kaeksena niya dahil kung wala pa ay hindi pa siya bababa sa van dahil ayaw nga niya nang naghihintay at higit sa lahat ay ayaw nga niya nang naghihintay.

Kaya sa bawa’t hindi masunod na kapritso niya ay mega-sumbong kaagad sa handler niya para iparating ito sa mga kinauukulan.

Anong nangyari sa mahusay na aktres, hindi naman siya ganito rati nu’ng sumalang siya sa dalawa niyang serye kung saan puring-puri ang husay niya sa pag-arte at isa na kami.

Umakyat na ba sa ulo niya na magaling siyang umarte at maraming pumupuri sa kanya? Susme, masyadong maaga pa, iha, sayang naman ang nasimulan mo kung hindi mo babaguhin ang ugali mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending