Kilalang female star niregaluhan ng 2 bahay ni male celeb sa Pinas at US
MUKHANG sobrang in-love to the max na ang male personality sa isang female star dahil binilhan niya ito ng dalawang bahay sa isang mamahaling subdibisyon.
Isa rito ay matatagpuan sa Amerika kung saan doon din nakatira ang sikat na female actress, same neighborhood sila.
Ang tarush ng female personality dahil katumbas ito ng P300 million sa pera ng Pilipinas.
Sabi ng aming source, “Ang dami na niyang bahay, ano kayang gagawin niya? May dalawa na siyang bahay sa South at bigay ‘yun ng magkaibang tao, plus may sarili din siyang bahay.
Baka Bet Mo: Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?
“Ang alam ko may bahay din siya sa ibang bansa bukod pa itong bigay ni ___ (male personality)?
“Ang mahal ng maintenance ng malalaking bahay, huh? Kapag hindi ito natitirhan alam na. Pero feeling ko ‘yung bahay sa South doon ang love nest nila. Yung isang bahay din na nasa south, parang bihirang puntahan kasi iba naman ang nagbigay no’n,” pambubuking ng aming source.
Tinanong namin siya kung walang sabit ang male personality dahil malaki na ang investment niya sa female celebrity.
“Alam ko single kasi kung hindi makakapagregalo ba ‘yan ng mga bahay? Mapapa-sana all ka na lang talaga,” sagot ng aming source.
Ano kayang secret ingredient ang hinahalo ng female star sa mga niluluto niyang pagkain dahil laging nagre-request ang male personality na ipagluto siya?
“Pag para sa mahal mo ang niluluto mo sumasarap talaga ‘yun,” kaswal na sabi ng aming kausap.
Actually, parang napuntahan na namin ang lugar ng bagong bahay ng female personality dahil doon din malapit ang bahay ng mga kaanak namin bukod pa sa sikat na female actress.
In fairness ang ganda ng tanawin at ang sarap tumira roon dahil tahimik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.