Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?
TRULILI kaya na broke na ngayon ang dating sikat na male personality dahil wala na siyang napagkukunan ng allowances na dati-rati ay mucho dinero siya kaya kung saan-saang bansa siya nagpupunta at nakakabili ng mamahaling gamit.
Maganda naman kasi ang career ng dating sikat na male personality noon ang kaso bumitaw siya sa kanyang manager dahil nanghihinayang sa ibinibigay na komisyon na ang sabi sa amin ay 50%.
Pati kami ay nagulat din dahil ang alam namin ay 20% o pinakamalaki na ang 30% na kaltas sa talent fee ng mga manager.
“Kaya malaki kasi kasama na ro’n ‘yung mga damit na gagamitin niya sa bawa’t event na pupuntahan niya para hindi na siya mag-iisip pa o maghahanap pa ng stylist/make-up artist. Di ba kasi may mga artists na kung anik-anik ang suot kapag dumadalo sa events. Halatang hindi napaghandaan?
“Ang alam ko 30% talaga ang komisyon ni (manager) tapos ‘yung 20% mga extra gastos ni (dating sikat na male personality). Kaya kung may lakad siya,pupuntahan na lang siya ng stylist, make-up artist at iba pang need niya. Kaya wala na siyang problema, pupunta na lang siya sa events,” paliwanag ng aming source.
At ngayong wala na sa podeng ng manager niya ang dating sikat na male personality ay kung saan-saan na siya napagkikita na kung sinu-sino ang kasama hoping na makabingwit ulit ng matabang isda.
* * *
Hagalpakan sa kilig at tagos sa pusong mga hugot ang handog nang libre ng iWantTFC ngayong buwan ng pag-ibig tampok ang “Lahat May Love,” “Best RomComs,” “Pinagtagpo Pero ‘Di Tinadhana,” at “Iconic Hugot Lines” na mga palabas.
Lahat ng klaseng kwento ng pag-ibig ang mapagpipilian sa “Lahat May Love” selection sa iWantTFC na siguradong magpapakilig sa mga manonood tampok ang pinakamamahal na love teams tulad ng KathNiel, LizQuen, JaDine, at JoshLia. Nariyan ang mga pelikulang “I Love You, Hater,” “Never Not Love You,” “Everyday I Love You,” “Must Be… Love,” at iba pa.
Sigurado namang makaka-relate ang viewers kahit anuman ang kalagayan ng kanilang puso sa “Best RomComs” selection tampok ang mga pelikulang “That Thing Called Tadhana,” “Bride For Rent,” “She’s Dating The Gangster,” at “You’re My Boss.”
Para naman sa mga nagmo-move on sa sakit ng pagmamahal, available rin sa iWantTFC simula Pebrero 15 ang special selection na “Pinagtagpo Pero ‘Di Tinadhana” kung saan mapapanood ang mga mapanakit na mga pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” “Exes Baggage,” “Between Maybes,” “A Moment in Time,” at marami pang iba.
Mababalik-balikan din ang mga tagos sa pusong mga linya ng Pinoy romance films na minahal at tumatak na sa mga manonood sa “Iconic Hugot Lines” selection na available simula Pebrero 15. Pwedeng i-stream ang mga pelikula tulad ng “One More Chance,” “Paano Na Kaya,” “Barcelona: A Love Untold,” at “The Hows of Us.”
Nagpapakilig din sa iWantTFC ang Thai boys’ love (BL) series na “Never Let Me Go.” Available ang bagong episodes nito kada Martes (English-subbed) ng 9:30 PM (Manila time) at kada Biyernes (Filipino-dubbed) ng 8:30 PM (Manila time).
Samantala, napapanood na sa iWantTFC ang live episodes ng mga patok na primetime teleseryeng “The Iron Heart” at “Dirty Linen,” kabilang din ang “Mars Ravelo’s Darna” kung saan inaabangan na ng fans ang kapanapanabik na finale episode sa Pebrero 10. Pwede ring i-stream nang live ang “FPJ’s Batang Quiapo” simula Pebrero 13.
Napapanood din sa iWantTFC ang livestreams ng mga programang “It’s Showtime,” “TV Patrol,” at “ASAP Natin ‘To.”
Simulan na ang movie marathon ngayong buwan ng pag-ibig at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].
Related Chika:
Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in
Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor
Male celeb ibinuking ang milyun-milyong utang daw ng tumatakbong politiko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.