Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor | Bandera

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Ervin Santiago - February 27, 2022 - 06:44 AM

Mahulaan n’yo kaya kung sinu-sino sila?

SHOOKT kami sa ikinuwento ng isang mapagkakatiwalaang source tungkol sa nakaraan ng isang kilalang aktor na unang nakilala sa mga action movies.

Bago pa pala sumikat nang bonggang-bongga ay nabiktima rin pala ng pambu-bully ang kilalang aktor noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista.

Base sa kuwento ng ating source na matagal-tagal na rin sa mundo ng showbiz, bago narating ng aktor ang tagumpay at ang estado niya ngayon ay dumaan din siya sa mga matitinding pagsubok.

“Nu’ng nag-i-start pa lang yan, mahiyain talaga. Nasa isang sulok lang siya kapag may shooting. Hindi pa siya sikat nu’n, hindi pa siya kilala,” simulang kuwento ng aming kausap.

Pero in fairness, kahit wala pa siyang pangalan noong panahong yun ay may isang direktor na ang nagsabi sa kanya na darating ang araw na sisikat siya nang bonggang-bongga at magkakaroon ng maraming blockbuster movies.

Marahil, ito rin ang feeling ng isang sikat na celebrity kaya naman feeling insecure siya that time kay action star.

Parang hindi niya matanggap na may makakalaban na siya sa kinatatayuang estado sa showbiz.

Yes, nalaman namin na noong bagung-bago pa lang si Binoe sa showbiz ay hindi na okay ang turing sa kanya ng isang male celebrity pero hindi siya kailanman nagsumbong sa publiko para ipahiya o ilaglag ang nasabing artista.

At ito pa, pati ang mga kabarkada ng kilalang celebrity ay nakikisali rin sa kuwento. As in talagang binu-bully nila ang aktor dahil nga sukdulan din ang nararamdaman nilang inggit.

“Minsan nakita ko siya, umiiyak sa isang sulok. Nag-iisa lang siya. Alam ko na yung ganu’n. Knows ko nang may ginawa na naman sa kanya si _____ (pangalan ng sikat na celebrity.

“Kaya sasabihin ko sa kanya huwag kang mag-alala sisikat ka at malalagpasan mo pa yang mga yan. Tapos sabi niya, ‘Talaga? Sisikat ako?’ Oo! Tandaan mo yan, darating din ang araw na magbibida ka sa mga pelikula!” sabi pa ng aming source.

And true enough! Naging superstar nga ang male celebrity at naungusan pa niya ang aktor na super na-insecure sa kanya. 

Pati na ang isa pang aktor na magaling na nang-api kay male celeb noon ay nalaos na at wala nang mga projects ngayon.

In fact, nakarma pa nga ang mga ito sa isang bahagi ng kanilang career dahil sa mga sablay na pinaggagawa nila. 

Nang marinig namin ang kuwento ng aming source, medyo nagets na namin kung bakit hindi masyadong close ang mga bida sa blind item na ito at kung bakit hanggang ngayon ay parang hindi nila feel ang isa’t isa.

https://bandera.inquirer.net/282048/male-celeb-lumayas-na-sa-pinas-matapos-mawalan-ng-raket-sa-showbiz

https://bandera.inquirer.net/304522/aktor-laging-nakatambay-sa-casino-before-midnight-nawawala-siya-after-two-hours-nandoon-na-uli-siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297740/male-celeb-ibinuking-ang-milyun-milyong-utang-ng-tumatakbong-politiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending