Bida sa pelikulang ka-join sa filmfest aminado sa sablay ng direktor

Mahulaan n’yo kaya kung sinetch itetch?!
TINANONG kami ng isa sa bidang kasama sa pelikulang entry sa CinePanalo Film Festival 2025 na ginaganap ngayon sa Gateway 2 Cinemas kung bakit marami siyang narinig na nagsabing hindi kagandahan ang kanilang pelikula.
“Siyempre magiging bias ako, kasama ako sa movie, eh, kaya nagandahan ako. Pero bago ko panoorin may mga narinig na akong comments, hindi nga raw maganda, magulo, ikaw ba ano masasabi mo?” tanong sa amin ng kasama sa pelikula.
Naging honest naman kami sa sagot namin, ‘Magulo ang kuwento, ang daming gustong ipakita ng direktor” na inakala namin ay magagalit siya o magtatampo.
“Oo nga, eh. Alam ko naman ‘yung gusto mong sabihin totoo naman din, pero siyempre kasama ako, so, kailangan kong i-promote rin ito sa friends ko,” kaswal na sabi ng kausap naming isa sa cast ng nasabing pelikula.
Dagdag pa, “Abangan na lang natin ang review ni Goldwyn.”
Ganu’n ba, kay Goldwyn ibabase lahat kung anong pelikula ang maganda at hindi?
“E, di ba, binabasa ang reviews niya doon nagbabase kung anong magandang panooring sine?” katwiran naman sa amin.
Iba-iba naman ang taste ng manonood at ‘yung reviews ni Goldwyn ay base rin sa kung nagustuhan niya o hindi ang pelikula, kaya unfair kung aasa sa magandang review niya.
Ang pelikulang tinutukoy namin sa blind item na ito ay isa sa magastos daw na entry ngayong 2025 sa CinePanalo Film Festival dahil sa talent fee ng mga artista ay ubos na ang grant ng Puregold.
Actually, hindi rin namin gets kung bakit mga kilalang artista ang pinagkukuha puwede namang 50-50 ang sikat at hindi sikat.
“Kasi nga naniniwala ‘yung direktor na kapag sikat mga artista papasukin ito ng kanilang fans,” sagot ng isa sa cast ng nasabing pelikula.
Anyway, hanggang March 25 pa ang CinePanalo Film Festival sa Gateway Mall 2 kaya sa mga hindi pa nakakakumpleto ng kanilang festival pass, watch na kayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.