CinePanalo Film Festival 2025 nag-level up, star-studded ang mga lumahok
NAGSAMA-SAMA ang ilan sa mga mahuhusay na artista sa pelikula at telebisyon na nakilahok sa grand launch ng CinePanalo Film Festival 2025.
Ito ay sa pangunguna ng sikat na supermarket na Puregold na ginanap sa Artson Events Place, Quezon City noong January 24.
Kabilang na sina JC Santos, KD Estrada, Alexa Ilacad, Jameson Blake, Allen Dizon, Enzo Osorio, Ruby Ruiz, Romnick Sarmenta, Therese Malvar, at Xander Nuda sa mga dumalo na tiyak na aabangan ng mahihilig manood ng pelikula ang kanilang entry sa nasabing film festival na magsisimulang mapanood sa Gateway Cineplex 18 mula March 14 hanggang March 25.
Ikalawang taon pa lang ito ng CinePanalo Film Festival ay word of mouth na kaagad ito tulad ng mga naunang film festivals ng bansa dahil nu’ng in-open na ni Puregold Festival Director Chris Cahilig na bukas na for submission ng scripts para sa student short films at full length films ay dagsaan na kaagad ang mga natanggap nila na halos doble noong nakaraang taon.
Sabi nga ni Chris, “Grabe ‘yung support. Ang CinePanalo ay patuloy na nag-level up. I can’t imagine coming from last year na parang we were experimenting lang. Hindi namin alam na ganito kabilis. Sa mga sumuporta sa amin nu’ng umpisa pa lang, we’re so happy. Salamat sa MTRCB, Gateway Cineplex 18, Mowelfund, Terminal Six, CMB Films, at MFP Rentals.”
Baka Bet Mo: Anong pelikula kaya ang magiging pambato ng Pilipinas sa Oscars Awards?
Sey naman ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang senior marketing manager ng Puregold, “Pagkatapos ng isang matinding mapagkumpitensyang panahon ng aplikasyon, ang mga direktor na ito ay lumabas sa tuktok ng tambak. Alam namin na magbubunga sila ng mahusay, mahigpit na trabaho at hindi na kami makapaghintay na ibahagi ito sa manonood ng publiko sa darating na pagdiriwang.”
Dati-rati kasi ay nakilala ang Puregold ng mga Titos and Titas of Manila bilang mabilisang bilihan ng mga kailangan sa bahay hanggang sa sumama na rin ang Boomers, Millennials, at Gen Z.
Take note, ang mga Gen Z na ngayon ang madalas naming nakikitang namimili dahil isa rin sila sa sumasali na sa Cinepanalo Film Festival sa student short film category.
Kaya ganu’n na lang ang tuwa ng Puregold management dito dahil hindi lang sila kilala bilang pamilihan, kundi parte na rin sila ng movie industry dahil sa Cine Panalo Film Festival na sa unang taon palang ay ilang pelikula na ang naimbitahan sa ibang bansa para sa mapanood at sumali sa kumpetisyon.
Ang ilan sa mga pelikulang napasama sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa ay ang mga sumusunod:
“Tiil ni Lola,” Directed by Reutsche Colle Lima, na pinanood sa 2024 Asia-Pacific Youth Micro Movie Festival in Hong Kong.
“Road to Happy,” idinirek ni Joel Ferrer for non-competitive Children Showcase sa 2024 Jagran Film Festival.
“A Lab Story” mula sa direksyon ni Carlo Obispo ay napasama sa International Feature category sa 2024 Jagran Film Festival, 2024 Asian Film Festival Barcelona sa Spain mula October 24 hanggang November 3, at 2024 Brunei Film Blitz ng December 18 to 20.
“One Day League: Dead Mother, Dead All,” ni Eugene Torres napanood sa 2024 Exposures Montreal Trans Film Festival.
“Smokey Journey,” idinirihe ni Jenievive Adame, student short film na napanood sa Emirates Film Festival.
Ang nanalong Best Picture winner nu’ng nakaraang taon na “Under a Piaya Moon” directed by Kurt Soberano, ay napanood sa 2024 Festival International du Film Transsaharien de Zagora in Morocco, from December 9 to 13.
At kaka-post lang ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na ang “Pushcart Tales” ay international premiere and compete sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal.
Sa madaling salita, malaking tagumpay ito para sa CinePanalo dahil dala-dala ng mga pelikulang nabanggit ang pangalan nila kaya naman todo suporta ulit ang Puregold management sa project na ito nina Chris at Ms Ivy.
Anyway, ang opisyal na listahan para sa ikalawang edisyon ng CinePanalo ay ang mga sumusunod, na ang bawat isa ay tumatanggap ng P3 million para sa mga full-length na pelikula at P150,000 para sa mga estudyanteng gumagawa ng pelikula:
“Sepak Takraw,” directed by Mes de Guzman, starting Enzo Osorio, Nicollo Castillo, Ruby Ruiz, and Acey Aguilar
“Olsen’s Day,” directed by JP Habac, starring Khalil Ramos, Romnick Sarmenta, and Xander Nuda
“Tigkiliwi,” directed by Tara Illenberger, stareing Ruby Ruiz, Gabby Padilla, and Julian Paul Larroder
Baka Bet Mo: CinePanalo 2025 aarangkada na; P3-M grant para sa 7 maswerteng direktor
“Journeyman,” directed by Christian Paolo Lat & Dominic Lat, starring JC Santos and Jasmine Curtis-Smith
“Salum,” directed by TM Malones, starring Allen Dizon and Christine Mary Dimaisip
“Co-Love,” directed by Jill Singson Urdaneta, starring KD Estrada, Alexa Ilacad, Kira Balinger, and Jameson Blake
“Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea,” (documentary), directed by Baby Ruth Villarama
“Fleeting,” directed by Catsi Catalan, starring RK Bagatsing and Janella Salvador.
Ang listahan naman para sa student short films ay ang mga sumusunod:
“Dan, En Pointe,” directed by Adelbert Abrigonda of Polytechnic University of the Philippines
“Cancer Din Ang Zodiac Sign Mo?,” directed by Allan Balance Jr. of Polytechnic University of the Philippines
“Dito, Dati,” directed by Angel Allizon Cruz of University of Santo Tomas
“Sine-Sine,” directed by Roniño Dolim of University of Eastern Philippines
“1, 2, Strike!!!,” directed by Kenneth Flores of Far Eastern University
“Sa Susunod Sisikat si Susan,” directed by Austine Fresnido of FAITH Colleges
“Champ Green,” directed by Clyde Cuizon Gamale of University of the Philippines
“Nanay’s Frankenstein,” directed by Bjorn M. Herrera of Central Philippine University
“Mother at Sixty,” directed by Maria Eleanor Javier of University of the Philippines Visayas
“Sisenta!,” directed by Mae Malaya and produced by Ivan Gentolizo of University of the Philippines
“SamPie,” directed by Ira Corinne Esquerra Malit of University of Caloocan City
“Taympers,” directed by Naiah Nicole Mendoza of Polytechnic University of the Philippines
“Uwian,” directed by Vhan Marco Molacruz of Colegio de San Juan de Letran
“Let’s Go Somewhere Else,” directed by Jadrien Morales of University of the Philippines
“Papunta Ka Pa Lang,” Naka-Bounce Na Ako, directed by Regene Narciso of Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo
“Checkmate,” directed by Alexie Nicole Pardo of Polytechnic University of the Philippines
“Daeaura,” directed by Kieth Earl B. Rebaño of University of the Philippines Visayas
“Japan Surplus,” directed by John Lester Rimorin of University of the Philippines
“G!,” directed by Jose Andy Sales of University of San Carlos
“Our One and Only Bab(o)y,” directed by Mark Joseph Sanchez of Polytechnic University of the Philippines
“Si Nadia at ang Kanyang mga Kuro-Kuro,” directed by Aubrey Soriano of Polytechnic University of the Philippines
“Sa Pagbunga,” directed by Jasper Tan of Far Eastern University
“Daog, Pildi,” directed by Johannes Tejero of University of San Carlos
“Dela Cruz, Juan P,” directed by Sean Rafael Verdejo of National University Laguna
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.