Aktor laging nakatambay sa casino: Before midnight nawawala siya, after two hours nandoon na uli siya
Sino siya? Mahulaan mo kaya?
“LAGI siyang nasa City of Dreams at Okada, doon mo siya madalas makikita,” ang tsika ng aming source tungkol sa so-so actor na umingay ang pangalan noon dahil sa sinalihan niyang reality show.
“Ilang beses ko lang naman siya nakitang naglaro (casino), mas madalas ang tambay niya at may mga kausap na foreigner, may mga Pinoy din,” dagdag na kuwento pa ng aming kausap.
Nakilala naman kahit paano ang so-so actor dahil napasama siya sa mga programang sikat ang mga bida at talagang humataw ang mga ito sa ratings game.
Nagkapelikula rin siya pero wala pang 10 ang mga nagawa niya dahil hindi rin naman siya kagalingang umarte pero may itsura talaga at maganda ang tindig.
Tinanong namin ang source kung puro babae o mga lalaki ang kausap ng so-so actor sa nasabing hotel na pinupuntahan ng mga mahilig mag-casino.
“Pareho, eh, saka older sa kanya ‘yung mga kausap niya hindi niya ka-edaran. Before midnight nawawala siya kasama ‘yung mga kausap, then after two hours nandoon na ulit siya wala nang kasama,” tsika pa ng aming source.
“Madalas siya do’n sa O Kitchen at The Café doon laging may kausap. Minsan mag-isa parang doon ang meeting place,” tsika pa sa amin.
Sa kasalukuyan ay wala kaming alam na project ng so-so actor at wala rin kaming nababalitaan kung may negosyo siya at kung may girlfriend siya ngayon.
At mukhang nag-detach din siya sa kanyang social media accounts dahil matagal na siyang walang post o baka nga kasi busy siya sa mga ka-meetings niya sa casino.
* * *
Bakit ba tayo iniiwan ng mga taong mahal natin? Bakit hindi tayo sapat para sa kanila?
Aalamin ni Angelica Panganiban kung bakit tayo nagiging broken-hearted sa iWantTFC original series na “The Goodbye Girl” kasama sina Loisa Andalio, Barbie Imperial, Maris Racal, at Elisse Joson.
Handog ito ng iWantTFC ngayong Valentine’s Day at mapapanood na sa buong mundo simula sa Peb. 14 na may bagong episode kada araw sa iWantTFC app at website.
Ang “The Goodbye Girl” ay base sa libro ng best-selling author na si Noreen Capili na tungkol sa iba’t ibang kasentihan ng limang klase ng babae at ang mga aral na matututunan nila mula sa pagmo-move on.
Magsisimula ang kwento kay Yanna (Angelica). Pagkatapos hiwalayan ng asawang si Y (RK Bagatsing), ila-livestream niya habang lasing ang kanyang kwento at magva-viral dahil sa dami ng nakaka-relate sa kanya. Mapapansin siya ni Jeff (JC de Vera) at aalukin siyang magsulat ng libro tungkol sa iba’t ibang kwento ng kasawian at ang mga payo na ibinibigay niya sa mga ito.
Makikilala rito ang aktres na si Mara (Loisa Andalio), ang “The Clueless Girl.” Tila nasa kanya na ang lahat pero hindi niya lubusang mapagtanto kung bakit lagi siyang iniiwan ng mga kasintahan niya, kabilang na si Gab (Ronnie Alonte), na biglaan na lang nakipag-break nang walang sapat na dahilan.
Si Kiera (Barbie) naman ang “The Other Girl,” ang kabit ng may asawang si Franco (Turs Daza). Maiinip si Kiera kay Franco dahil pakiramdam niyang hindi nito pananagutan ang kanilang relasyon. Isang araw, malalaman na lang din ni Kiera na isa lamang siya sa mga naging babae ni Franco.
Nariyan din si Ria (Maris), ang “The Bitter Hopia. Umaasa siyang masusuklian ng bandistang si Caio (Rico Blanco) ang lumalalim niyang pagmamahal para rito. Dahil “casual” lang ang kanilang relasyon, hindi niya maamin-amin ang totoong nararamdaman para kay Caio.
Si Julia (Elisse) naman ang “The Legally Blind,” ang kawawang fiancée ng babaerong si Ean (Joshua Colet). Kahit harap-harapan ang panlalandi ni Ean sa ibang mga babae, kumakapit si Julia sa pangako ni Ean na tutuldukan nito ang kanyang panloloko sa oras na ikasal na sila.
Ang “The Goodbye Girl” ay mula sa direksyon ni Derick Cabrido at produksyon ng Dreamscape Entertainment at Clever Minds Inc..
https://bandera.inquirer.net/282582/female-star-super-deny-na-siya-ang-sumira-sa-relasyon-ng-ex-celebrity-couple
https://bandera.inquirer.net/279653/so-so-actor-bakit-nga-ba-nakikisawsaw-sa-isyu-ni-kontrobersyal-na-aktor-aktres
https://bandera.inquirer.net/282652/matapos-masangkot-sa-iskandalo-tekla-at-michelle-nagkabalikan-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.