Male celeb ibinuking ang milyun-milyong utang daw ng tumatakbong politiko | Bandera

Male celeb ibinuking ang milyun-milyong utang daw ng tumatakbong politiko

Ervin Santiago |November 15,2021
facebook
share this

Male celeb ibinuking ang milyun-milyong utang daw ng tumatakbong politiko

Ervin Santiago - November 15, 2021 - 06:07 PM

NAGTATAKA ang isang male celebrity sa isang politiko mula sa isang probinsya na tatakbong alkalde sa darating na May, 2022  elections.

Napapailing na nga lang daw ang aktor sa mga pinaggagagawa ng nasabing politician dahil alam na alam na niya ang kartada nito pagdating sa usaping pera.

Ayon sa isang source, tinatanong ng aktor kung paano raw magiging matapat at epektibong leader ang isang aspirant public servant kung may pagkakautang pa itong P24 million?

Ang chika, hinahabol umano siya ngayon ng kanyang supplier dahil hindi pa umano niya ito binabayaran hanggang ngayon sa kanilang deal.

Ang kuwento pa, nagse-service umano ang construction business ng tumatakbong mayor sa isang malaking shopping mall sa Pilipinas.

Kaya ang tanong ng aktor, gagastusin ba ng aspirant politician sa kampanya ang kanyang kadatungan kaya hindi niya maharap ang kanyang responsibilidad na dapat bayaran?

Aktibo siya sa damayan sa kanilang bayan at nagbibigay ng pag-asa sa kanyang mga kalugar pero tila may nakakaligtaan naman umano siya sa pagtugon sa kanyang mga obligasyon.

Reaksyon pa raw ng male celebrity, sana raw ay unahin muna niyang ayusin ang mga obligasyon niya sa taong pinagkakautangan bago itodo ang pagmamalasakit sa kanyang mga kababayan.

Wala naman daw problema kung talagang nais niyang maglingkod sa kanilang lugar pero sana’y siguruhin muna niyang wala siyang magiging problema sakaling mahalal nga siya sa posisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending