Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in | Bandera

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Reggee Bonoan |October 11,2021
facebook
share this

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Reggee Bonoan - October 11, 2021 - 06:29 PM

BROKEN-HEARTED na naman pala ang sikat na aktor kaya mega-emote na naman siya sa kanyang social media account.

Pero hindi tungkol sa lovelife ang mga ipino-post niya kundi random topics lang kung saan lahat ng isyung nababasa niya ay pinapatulan.

Naikuwento sa amin ng kaibigan ng sikat na aktor na malungkot ang kaibigan niya dahil inakala nitong ang ex-girlfriend na ang makakatuluyan niya dahil halos apat na taon na rin silang magkarelasyon.

“Nagsasama na nga sila, eh at matagal na sila,” sambit ng kaibigan ng binata.

Hindi taga-showbiz ang girl at tanda namin ay ayaw pa nga ito ipakilala ng sikat na aktor noon dahil ayaw niyang mabahiran ng showbiz ang relasyon nila kumpara sa past girlfriends niya na mga artista rin.

“Itinago niya, pansin mo bihira siyang mag-post sa social media niya tungkol sa kanyang girlfriend.  Hindi rin niya nababanggit sa mga interviews niya kasi nga ayaw niya, gusto pribado.

“Kaya heto, wala na, hindi rin niya mailabas, ilan lang kaming kaibigan niya ang nakakaalam. Sayang nga eh, okay naman sila,” pahayag ng taong kausap namin.

Kung tama ang bilang namin ay panglimang girlfriend na ito ng sikat na aktor at sa pagkakatanda rin namin ay gusto na rin niyang magkapamilya soon dahil nasa marrying age na siya.

“Parang hindi pa feel kasi ni girl ang magpakasal, pero okay ang magsama sila,” say ng kaibigan ng aktor.

Pero okay naman daw ang paghihiwalay ng dalawa at magkaibigan pa rin sila ngayon.

“Malay mo, di ba? Kasi ‘yung girl naman wala namang iba, eh. Pareho naman nilang mahal pa ang isa’t isa,” sabi pa sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang aktor ay sobrang busy ngayon dahil marami siyang trabaho kaya nakatutulong ito para madali siyang maka move-on.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending