Sikat na aktres dyowa na ang baguhang aktor, ayaw umamin?

Sikat na aktres dyowa na ang baguhang aktor, ayaw pang umamin?

Reggee Bonoan - December 14, 2024 - 10:34 AM

Aktres ma-awkward kaya sa pagdalaw ng aktor sa show nila?

NANG ikuwento sa amin ng aming source na magkarelasyon ang baguhang aktor at sikat na aktres ay natigilan kami dahil napaisip kung ano ang nagustuhan ng huli ang una.

Pero sa kabilang banda ay hindi rin naman nagkakalayo ang features ng baguhang aktor at aktres nagkataon lang na mas naunang sumikat ang huli hanggang sa ibang bansa.

Yes, sikat ang aktres sa ibang bansa dahil napapasama siya sa grupo ng artists na nagpe-perform at saksi rin kami na tinitilian siya.

Anyway, si aktor ay nagsisimula palang gumawa ng pangalan at sa tingin namin ay makikilala rin siyua dahil magaling umarte at mabait, marespeto at higit sa lahat, masipag na kahit anong role ay gagawin niya as long as hindi naman ito labag sa kanyang paniniwala.

Baka Bet Mo: Babaerong aktor bantay-sarado sa dyowang aktres tuwing may taping

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Si aktres naman ay sobrang down-to-earth at hindi namin malilimutan nu’ng bagong-bago siya at dumalo kami sa isang event na nandoon siya ay lumapit siya sa amin ang ipinakilala ang sarili at nakipag-kamay, natuwa kami sa gesture ng dalagang ito kaya simula no’n ay nasusubaybayan namin siya at walang ipinagbago mula noon hanggang ngayon.

Samantala, hindi namin alam kung inililihim nila ang kanilang relasyon o low-key lang? Pero kasi kapag umamin o pumutok na sina aktor at aktres na ay baka sabihin ng lahat na manggagamit ang una dahil nga sikat ang huli.

Sa nakikinita namin ay hindi naman ganu’n ang aktor at si aktres ay wala naman sa kanya kung magamit siya ng dyowa niya para makilala ng husto kas inga nagmamahalan silang dalawa.

Gusto namin ang dalawa, sana nga maalagaan nilang mabuti ang kanilang relasyon at malampasan nila anumang pagsubok kapag nabuking na ang tagong relasyon.

At sa nakikinita namin ay parang hindi mangyayaring magkakaroon ng project ang dalawa dahil magkaiba ang takbo ng kanilang karera lalo na’t ang nagma-manage sa aktres ay may ibang plano para sa kanya.

Clue, sikat ang kanta ng akres na talagang nakaka-LSS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending